Nagpagulong-gulong ako sa kama sabay sigaw, sabunot sa sarili tapos sigaw ulit.
Buong dalawang oras yata ay puro gano'n lang ang pinaggagawa ko, eh pa'no ba naman kasi--aish! Naalala ko na naman tuloy! Bakit kasi ang O.A. ng reaction ko?!
Kawawa naman tuloy si Taehyung. Eh kasi naman eh! Kapag nakikita ko ang mukha niya naaalala ko ang pagmumukha ni Ericka. Pero 'yong reaksiyon niya kanina— oh jeez!
Eh kasi naman eh! Sasabihin niya 'Let's have a date.' tapos nilalandi niya si Ericka, like duh! 'di ako pumapatol sa mga pinag-sawaan ng kaibigan ko 'no!
Kikiligin na sana 'ko eh, pero biglang nag-pop-out sa utak ko 'yong mukha ni Ericka! Damn! Kainis!
Pero, hindi naman siguro niya deserved 'yun diba?
"I hate you!"
Muli akong napasigaw nang maalala 'yung sinabi ko.
"What the hell is happening?!"
Napalingon ako sa pintuan ng bigla iyong bumukas. Speaking of the devil.
Nagulat pa ako ng bigla siyang nanakbo papalapit sa akin at in-examine ang katawan ko. "What happened?! Are you hurt or--"
"Ano bang sinasabi mo?!" Gulat kong sabi habang inaalis ang pagkakahawak niya sa mga braso ko.
"I heard you screaming so I thought that some--"
"Walang nangyari, okay?" Inirapan ko siya. "Kaya pwede bang lumabas ka na lang?" 'tsaka ako muling humiga at nagtalukbong ng kumot, kahit mainit, geez.
Narinig kong napabuntong hininga siya. Pero naramdaman ko ring lumundo ang kama at narinig ang pagbukas-sara ng pinto, sign na lumabas na siya.
Mabilis akong bumangon at akmang magsisisigaw na namang muli pero napatahimik agad ako ng makita si Taehyung sa harapan ko.
"Tsk. Ano bang trip mo? Labas nga! Labas! Sabi ng ayaw kong makita ang pagmumukha mo eh!" sinamaan ko siya ng tingin ng titigan niya lang ako.
"Why are you mad at me?"
"Sino ba kasing nagsabi sayong galit ako?! Ang sabi ko--"
Bahagya siyang napangiwi nang biglang tumaas ang boses ko kaya hindi ko na naituloy ang dapat kong sasabihin.
Nakakainis talaga 'tong gwapo na 'to! S-should I say sorry to him?
Bumuntong hininga muna ako bago muling humiga at tumalikod mula sa pwesto niya "Hindi ako galit Taehyung, medyo mainit lang talaga ang ulo ko, kaya kung ako sayo lalabas na ako ng kwarto ngayon din."
"Okay, basta sabihin mo agad sa akin kung hindi na mainit ang ulo mo, para makausap na ulit kita."
Muntik na akong mapabangon ng marinig na nag-tagalog siya pero naisip ko ring, way niya lang 'yon para makausap ako. Geez. Huwag ngayon.
Pinikit ko na lang ang mga mata ko at hinayaan ang sariling mapunta na naman sa dreamland.
***
Naalimpungatan ako ng makarinig ng tawanan, pero ipinikit ko pa rin ang mga mata ko dahil feeling ko tinatamad akong umalis ng higaan.
"Thanks." narinig kong sabi ng isang boses tapos bigla na namang may humagikhik.
Pero this time napamulagat agad ako at mabilis na bumangon sabay labas ng pinto.
Pero siyempre, before that I check myself first kung natanggal ba ang glasses at make-up ko or what, buti na lang hindi.
Nagulat pa ako ng makita sila. Nagtatawanan habang nakaupo sa couch at nanonood sa T.V.
BINABASA MO ANG
Suicidal Mission
Teen FictionJack Lorraine Belvis, a privileged and obsessed fan girl who stops at nothing to capture the attention of her beloved boy band, BTS. Jack's world revolves around these seven talented and handsome boys, and she is willing to go to extreme lengths to...