Naalimpungatan ako nang may marinig akong kumakatok sa pintuan. Bumangon ako 'tsaka binuksan 'yon.
"Hi Jack." nakangiting sabi ni—
"J-Hope?!" Gulat kong sambit habang nakatingin pa rin sa kanya. What the--
"We're friends right? Sa ngayon, ako muna ang magiging alarm clock mo." nakangiti pa ring sabi niya kaya napailing na lang ako habang nakangiti bago tuluyang pumasok ng bathroom.
Alarm clock huh?
Napakamot ako sa aking noo habang nakatingin sa mga damit na nakahanay sa harapan ko.
Ang hirap mag-hanap ng disenteng damit sa mga pangit na 'to!
Napalingon ako sa lugar kung saan nakalagay ang mga magagandang kong damit, I miss being me.
Napangiti ako ng biglang may pumasok na ideya sa utak ko. I'm so brilliant! Kumuha ako ng isang pares ng maganda kong damit at isinilid iyon sa bag ko tsaka ako nag-bihis ng aking geek outfit.
Bumaba na ako ng hagdan kung saan naman ako sinalubong ng pito.
"Good morning Jack!" Sabay-sabay na usal nila pero siyempre except kay Taehyung at Jin. Nginitian ko lang sila bilang sagot tsaka kami lumabas ng mansion.
Pinauna ko muna 'yung iba bago ako lumapit kay Jin.
"Jin." tawag ko sa kanya kaya napahinto siya pag-lalakad pero hindi man lang niya ako nilingon.
"You're still mad?" I pout my lips para mas effective.
Nag-patuloy siya sa paglalakad kaya sinabayan ko siya. "Sorry."
Hindi niya ako pinansin kaya hinarangan ko siya. "Sorry na princess Jin! Pansinin mo na ako, please!" With matching cross fingers at puppy dog eyes.
"Bakit parang close na kayo ni J-Hope ngayon?" Napangiti ako dahil sa wakas nag-salita na siya pero still he's avoiding my gaze.
"Nag-sorry na siya sa akin kahapon and now we're already friends." nakangiti ko pa ring usal, I heard him mumbled something pero hindi malinaw.
"What?"
"Ang sabi ko pinagpalit mo na ako!" Nakangusong sabi niya kaya napitik ko tuloy ang noo niya.
"You will always be my princess Jin."
Atlast ngumiti na rin ang gwapong playboy!
"Basta 'yong date natin, mamaya ah?"
I gave him a questioning look, date? Wala yata akong naalalang may napag-usapan kaming gano'n.
"You and the group, nakalimutan mo agad?"
"Ah, okay." Tanging naisagot ko na lang bago kami pumasok ng van.
As usual, ganoon na naman ang pwesto namin. Napalingon ako kay Jungkook ng bigla siyang sumandal sa balikat ko.
"Give me a minute." bulong niya kaya hinayaan ko na lang. Bakit kaya parang puyat si Kookie?
Nag-simula ng umandar ang sinasakyan namin. Nagulat na naman ako nang maramdaman kong hinawakan ni Taehyung ang isa kong kamay. Naramdaman ko na naman 'yung feeling na parang nakukuryente everytime na magdidikit kaming dalawa. Napalunok ako bago siya nilingon.
Nakangiti siya habang nakatingin lang sa unahan at tulad ng dati, may nakasuot na namang headset sa tenga niya. Napatulala ako because of the sight, ang gwapo niya talaga.
Napaiwas na lang ako ng tingin nang maramdaman kong may mga daga na namang nagwawala sa loob ng dibdib ko.
Bwisit ka talaga Taehyung!
BINABASA MO ANG
Suicidal Mission
Teen FictionJack Lorraine Belvis, a privileged and obsessed fan girl who stops at nothing to capture the attention of her beloved boy band, BTS. Jack's world revolves around these seven talented and handsome boys, and she is willing to go to extreme lengths to...