Chapter XII (Philippines)

335 135 15
                                    

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang makabasag tenga kong alarm clock. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid, paano ako napunta sa kwarto ko?! Ang huli ko na lang na nalala magkasama kami ni Stranger.

Umalis ako ng higaan tsaka dumiretso ng comfort room. Gosh! Wala akong maalala! Nakatulog ba ako? Paano ako napunta dito?

Napahilamos ako sa mukha ko tsaka tiningan ang sarili sa salamin. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung ano ang nakasuot sa daliri ko. Just what the heck! Paano napunta sa akin ito?!

"Shit." I silently curse habang tinititigan ang infinity diamond ring. It perfectly fit on my finger. Ang sarap lang tingnan.

Napailing ako 'tsaka hinubad iyon, hindi sa akin ito, kay stranger. Ilalapag ko na sana iyon pero may nakita akong naka-engrave na something sa loob. Pinakatitigan kong mabuti kung ano 'yun.

Theo & Jack

Theo pala ang pangalan niya pero mas prefer ko pa rin ang Stranger.

Wait! Jack din ang pangalan ng girlfriend niya?! Shocks, o baka para talaga sa akin ito? Ok, assuming na masyado.

Ginawa ko lahat ng morning rituals ko. Nang makapag-bihis ako ay isinuot ko na rin 'yung singsing, baka kasi mawala eh. Siguro iniwan lang muna sa akin ito ni Stranger, babalikan niya din ito.

Pagbaba ko ng hagdan nagulat ako ng makakita ng napakaraming luggage na nakahanay sa living room. Nakabihis din silang lahat. Teka, anong meron?

"Jack, prepare your things, uuwi na tayo ng Pilipinas." sabi ni dad. Oh geez! Oo nga pala, nawala sa isip ko.

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay sumunod na rin ako sa kanila papasok ng kotse. Bakit kaya kasama itong dalawa na ito? Ang alam ko kami lang nila mom at dad ang uuwi eh.

"Bakit kasama kayo?" tanong ko sa kanila.

"Ayaw mo?" tanong ni err--kuya Joseph.

"Oo." diretso kong sagot kaya nagtawanan sila at hindi na sinagot ang tanong ko, bastos talaga.

Ibinaling ko na lang ang atensiyon ko sa aking cellphone. Balak ko sanang tawagan si Jin para ipaalam na aalis na ako ng bansa, pero napahinto ako ng may kumalabit sa akin.

"Happy Birthday little sis." nagulat ako sabay nila 'yung sinabi. Napatingin pa ako ng matagal sa hawak ni ate Abby tsaka iyon tinanggap.

"T-thank you." nakayuko kong sabi. Mamaya ko na lang siguro ito bubuksan.

Narinig ko pa silang nagtawanan kaya sinuot ko na lang sa tenga ko ang aking earphone, kasabay noon ay ang pag-andar ng sinasakyan namin

Birthday ko pala ngayon.

Happy Birthday Jack Lorraine

Parang may kung anong nag-echo sa utak ko ng marinig ko ang salitang birthday. Jack Lorraine? Sino namang tatawagan sa akin ng ganoon?. Ipinilig ko na lang ang ulo ko tsaka i-dinial ang number ni Jin

"(Jack!)" napangiwi ako dahil sa lakas ng boses niya. Parang si Andrea lang eh.

"On the way na kami sa Incheon International airport."

"(Nandito na kaming lahat!)" Masigla na naman niyang sabi.

"Ok, bye." tanging sagot ko na lang.

"(Bye din!)" At siya na mismo ang pumutol ng tawag.

Napabuga ako ng hangin bago sumandal sa inuupuan ko at tinitigan ang singsing na nakasuot sa daliri ko. Babalikan pa kaya ito ni, Stranger a.k.a Theo? Baka hindi matuloy 'yung proposal niya sa girlfriend niya kapag nagkataon. Sabagay wala namang forever eh.

Suicidal MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon