"Oh, bakit nakasimangot ang mga gwapo kong alaga?" Nakangisi kong usal habang nakatitig sa pito na ngayon ay ang sama ng tingin sa akin.
"Bitch." bulong in Jin.
Panandaliang napawi ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. I thought I'm your princess?
"Yeah, I know that already, wala na bang bago?"
Muli ko silang nginitian bago bumalik sa upuan ko. Apat na oras pa bago kami makarating ng Japan. 'tsaka napaki-usapan ko na naman sila na dito na lang ganapin 'yong photoshoot nila sa Puma. Tsk. Ang titigas kasi ng ulo. Ayaw pang bumalik ng Korea. Hanggang ngayon tuloy hindi ko alam kung ba'y ayaw nila ng World Tour.
Mabuti na lang at napapayag sila ni Makay na sumama sa akin, kahit na hindi ko alam kung paano niya napapayag, pero sa totoo lang sa Korea dapat kami eh. Tsk. Ewan ko nga ba kung bakit ayaw nila sa Korea. Pero okay na ding sa Japan, basta mailayo ko sila sa fake na Jack.
Bumaling ako sa katabi ko which is si J-Hope.
"Mukhang ang lalim na naman ng iniisip mo, ah?"
Napalingon siya sa akin sandali bago ituon ulit ang pansin sa bintana. Snob.
"Iniisip niya kasi 'yong crush niya!" Nagulat pa ako ng biglang sumulpot si Jimin na nasa likuran namin.
"Crush? Merong crush si J-Hope?" Maang na tanong ko.
"Oo! Si--"
"Shut up Jimin."
Pareho kaming napatawa ni Jimin ng makitang nag-blush si Hoseok. Aba, kumekerengkeng ang gwapong kabayo ng grupo.
"Eh ikaw Jimin, kumusta love life?"
Mabilis na nabura ang ngisi niya at napalitan ng simangot.
"Taken na eh."
"Oh? Bakit 'di mo gamitin ang charm mo para makuha siya?"
Biglang sumeryoso ang mukha niya kaya pinagsisihan ko agad ang pagtatanong.
Napabuntong hininga siya "Wala eh. Masaya na siya, hahadlangan ko pa ba?"
Tumango na lang ako bilang sagot. Gusto ko pa sanang itanong kung sino iyon pero baka masabihan pa akong pakialamera, although pakialamera na naman talaga ako.
Tinitigan ko na lang siya, kung sino man ang babaeng 'yon, isa siyang malaking tanga. Si Jimin ba naman ang pakawalan eh.
Napahikab ako kaya sumandal na lang ako sa kinauupuan ko at ipinikit ang aking mga mata.
***
Nagmulat lang ako ng mga mata ng maramdaman kong maingay na ang paligid.
Nakita kong nagsisibabaan na sila kaya mabilis akong napabalikwas ng bangon.
Napahikab ako at nag-unat-unat bago lumabas ng private jet plane. 'Di man lang sila nag-abalang gisingin ako. Jeez!
Sumunod ako sa kanila ng makasakay sila ng limousine habang inaayos naman ang mga gamit ko sa likod.
Lumingon ako sa gilid ko at kung sinuswerte ka nga naman. Si bebe Ta--I mean Jerk pala ang nandito.
Napahikab na naman ulit ako 'tsaka kumportableng sumandal sa balikat niya.
Ang bango niya talaga.
Pero nagulat na lang ako ng biglang bumagsak ang ulo ko..
"Eff?!" Sigaw ko. "S-sorry." mabilis pang dugtong ko ng makitang masama ang tingin sa akin ni Taehyung. Kainis.
BINABASA MO ANG
Suicidal Mission
Teen FictionJack Lorraine Belvis, a privileged and obsessed fan girl who stops at nothing to capture the attention of her beloved boy band, BTS. Jack's world revolves around these seven talented and handsome boys, and she is willing to go to extreme lengths to...