Chapter X (Tutor)

353 135 10
                                    

Nandito na ako ngayon sa room habang katabi ang playboy na si Jin. Gusto kong mainis dahil napaka-clingy niya na tipong kahit saan ako pumunta nakasunod sa akin pero thankful pa rin ako kasi kung hindi dahil sa kanya hindi ako makakapasok ng room at paniguradong kasalukuyan na akong pinaglalamayan ngayon.

"Jack, ano ba ang tunog ng puso?" Nagpakunot ang noo ko dahil sa tanong niya, ano na naman kaya ngayon ang trip niya?, eh kanina nga bigla-bigla na lang siyang nangyayakap tapos tinakbuhan pa ako, loko talaga.

"Ano pa ba? Edi tug, tug, tug." pairap na sabi ko dahilan para mapa-chuckle siya.

"Hala, sorry hindi ko alam, 'yung akin kasi ang sabi, ikaw!, ikaw!, ikaw!"

Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya, what the eff? Banat ba 'yun? Wow, expert si kumag, playboy eh pero sorry na lang, hindi ako kinilig, nagulat lang.

"Hoy mag-blush ka! Grabe kaya effort ko doon." Nakasimangot pang sigaw niya, palibhasa walang teacher sa unahan.

"Ang tanga mo naman Jin, ang pangit ng banat mo." singit naman ni Suga sabay binatukan si Jin. Tumikhim siya sandali tsaka bumaling sa akin.

"Jack, Diyosa ka ba?" Gusto ko sanang sumagot ng 'oo' pero naunahan ako ng hiya, lol, meron ba ako noon?

"Ano sa tingin mo?"

"Dapat ang sagot mo bakit!?" nakangusong sabi niya pa, geez, teka bakit pala nandito ang isang ito? FC eh.

"Oh, bakit?"

"Hindi naman kasi eh." wtf? Ang kapal ng mukha niya.

Nairita naman ako ng bigla silang magtawanan. Kung hindi ko lang sana napigilan ang sarili ko siguradong naibato ko sa kanila ang salamin ko at nang makita nila kung sino ang sinasabihan nila ng pangit. Paksiyet na ito!

Napahinto sila sa pagtatawanan ng biglang sumulpot si Jungkook sa harapan namin, not literally. Nakangiti siya habang nakatingin sa amin at isa lang ang masasabi ko, ang gwapo niya!

"Hi! Mukhang nagkakasiyahan na kayo ah, pwede ko bang mahiram si Jack?" still nakangiti pa rin siya, showing his complete white set of teeth. Kainis, bakit ba may ganitong ka-gwapong nilalang?

"Basta ibalik mo, ok?"

"Sure."

Sinamaan ko ng tingin si Jin ng sabihin niya iyon tsaka binalingan ng tingin si Jungkook na naglalakad na pala papunta ng pinto kaya sumunod ako ng tahimik sa kanya.

"How was your day?" biglang tanong niya habang sinasabayan akong maglakad.

"Ok naman, ikaw?" nakangiti kong sagot, buti na lang hindi siya snob katulad ni Taehy-, nevermind na lang pala.

"Ito masaya." nakangiti na namang sabi niya habang nakapamulsa pa at nakatingin lang sa dinadaanan namin.

"Pwede ko bang malaman kung bakit? Pero ok lang kung ayaw mo sabihin." nakayuko namang sabi ko, oo na ako na ang best actress, pa-demure outside but bitch inside.

"Dahil sa ginawa mo kay Taehyung, nakakatuwa talaga." sinundan pa 'yun ng tawa kaya nagtaka ako, wow, ano naman kayang ibig sabihin noon? Diba dapat galit siya sa akin?

"What? Hindi ka galit?!" Gulat kong tanong habang papasok na kami ng library.

"Why would I?" Tanong niya naman ng tuluyan na kaming makaupo.

"Kasi, pinahiya ko ang kaibigan mo." nakayuko kong sabi habang pinaglalaruaan ang mga daliri ko, pero sa totoo lang gusto kong mapangisi dahil sa naalala ko na naman iyon.

"Nah, buti nga ginawa mo iyon eh, kung hindi, talagang iisipin kong wala siyang pakialam sa grupo namin, since then lagi ko na siyang nakakasundo, ang akala ko kasi wala siyang pakialam sa amin kaya madalas wala kaming pansinan, and don't worry Jack, hindi sila galit sayo, ewan ko na lang kay Taehyung."

Suicidal MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon