Chapter XLIII (Strange)

155 68 10
                                    

"H-ha?! Teka! Bakit naman do'n?" natataranta kong sabi

Shit! Sino ba namang hindi matataranta?!

"Why? May problema ba do'n?" parang inosenteng tanong niya

Ugh!

"Siyempre! Babae ako at mga lalaki pa din kayo!" 'tsaka BTS kayo, baka ma-rape ko kayo. Duh!' gusto ko pa sanang idagdag ang kaso nakakahiya.

"So?" aba't!

"Anong so?!" feeling ko tuloy nag-uusok na ang ilong ko habang siya prenteng nag-d-drive lang

Natawa siya "Easy, hindi naman kami mga gano'ng klase ng tao, 'tsaka hindi ka na mahihirapang kapag nando'n ka"

Napaisip ako, oo nga. Tama siya.

"Pero kas--"

"No buts baby"

"Okay"

Ay shit! Napahawak ako sa bibig ko. Bakit ko sinabi 'yon?! OMG!

Tawa lang siya ng tawa habang ako ay halos na sumabog dahil sa hiya.

God! Nakakahiya naman 'yon, pero ewan ko ba kung bakit ako nakaramdam ng kilig.

Baby daw. Shit.

Napawi ang tawa niya at napalitan ng seryosong mukha. Bipolar.

"Mahal mo ba talaga 'yong Jung na 'yon?"

Ano daw? Jung?

"It's Jun not Jung, and yeah, I love him, ba't mo natanong?"

"Never mind"

Magtatanong pa sana ako pero huminto na ang sasakyan at lumabas siya para pagbuksan ako ng pinto.

Tahimik lang naming tinahak ang daan papasok ng isang building.

"Bakit nagpakulay ka ng buhok?" nahihiyang tanong ko, parang ang fc kasi ng dating eh.

"Para sa bago naming music video, bagay ba?" sagot niya habang ginugulo ang buhok niyang may kulay red? Apricot? I dunno, basta para siyang red na medyo orange

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Para sa bago naming music video, bagay ba?" sagot niya habang ginugulo ang buhok niyang may kulay red? Apricot? I dunno, basta para siyang red na medyo orange.

Nginitian ko siya "Yes, bagay na bagay sayo"

Ngumiti din siya pabalik at napansin kong bahagya pang namula ang mga pisngi niya bago siya nag-iwas ng tingin. OMG! he blushed!

Natahimik na lang kami pagkatapos no'n.

Huminto kami sa tapat ng isang pinto. Mula sa kinatatayuan ko ay rinig ko na ang mga ingay sa loob.

Agad na binuksan 'yon ni Taehyung. At tama nga ako, ang anim ang nasa loob.

Ang akala ko ba dorm? Eh parang kumpleto na dito. Ito ba ang depenisyon nila ng dorm? Ang gulo.

Ang iingay nila! Lalo na si Jimin at Jin na naglalaro ng Xbox, nagtatalo pa ang dalawa. Si Rapmonster na kumakanta-kanta pa sa isang gilid habang may hawak na pen at papel, Si Suga na kadaldalan ni Jungkook at si J-Hope na tahimik lang habang ngumunguya ng pizza.

Suicidal MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon