Chapter XL (Confusing)

274 67 9
                                    

"Kanta ka!" pagpipilit pa rin sa'kin ni Hoshi habang may hawak na cam. recorder at nakatutok sa akin

"Hoshi! Ang kulit mo talaga! Sabi ng ayoko eh!" inis kong tugon habang hinaharangan ang camera

Busy ako sa pag-b-brows ng pictures ni Kim Taehyung ng bigla siyang sumulpot at pinipilit akong pakantahin.

"Please! Sige na!"

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pag-s-save ng pictures ni V para gawing wallpaper.

"Kainis naman oh!" rinig kong maktol niya sabay walk out kaya natahimik din ang paligid

Pero maya-maya lang ay tatlo na ang nanggugulo sa akin, sumama pati si Jeonghan at Wonwoo. What the?! At talagang nag-sama pa talaga siya ah?!

"Please princess, gusto lang naming marinig ang boses mo, pumayag ka na" anas ni Wonwoo

Binitawan ko ang hawak kong Ipod at hinarap sila

"Bakit ba gustong-gusto niyo 'kong marinig kumanta?"

"Narinig ka daw kasi ni Hoshi na kumakanta sa banyo" naghagikhikan pa silang tatlo sa sinabi ni Jeonghan

Napairap ako "So? Eh pang-banyo lang naman talaga ang boses ko kaya 'wag niyo ng ipilit"

"Ayaw mo talaga?" tanong ni Hoshi

"Oo, ayaw ko, next time na lang kapag nasa mood na 'ko"

Sabay-sabay pa silang napabuntong hininga at nagpapaawang tumingin sa akin.

"Fine! Kainis kayo!" pagsuko ko dahilan para magtatalon sila

"Pero lumabas kayo tapos i-r-record ko, ayoko ng may nanonood sa'kin eh"

"What?! Eh--"

"Gusto niyo ba akong marinig kumanta o ano?" putol ko sa sasabihin ni Hoshi

"Okay fine" sagot pa rin niya bago sila napipilitang lumabas ng room

So, sinimulan ko na lang ayusin ang cam. Actually, wala naman talaga akong alam sa pagkanta, nahahawa lang talaga ako sa kanila.

Namili muna ako ng kanta bago mag-simulang kumanta.

Pagkatapos kong kantahin ang Let it go ng Frozen ay tinigil ko din ang pag-r-record.

Pagbukas ko pa lang ng pinto ay sinalubong agad ako ng tatlo

"Your voice is great!" sabi ni Jeonghan

"Ha! Sabi sa inyo eh!" sabi naman ni Hoshi sabay hablot sa recorder na hawak ko

Nagsimula na silang magkumpulan at panoorin ang video kaya umalis na lang ako at dumiretso sa kwarto ko.

Katulad ng ginagawa ko kanina ay ini-stalk ko na naman ang BTS, this time sa instagram naman, pero wala naman silang official account, puro gawa lang ng fans.

Bakit kaya?

Dahil nagsawa na ako sa insta. ay sa google search naman ang diretso ko.

Ang dami ko agad nalaman sa kanila, like, si Jungkook pala ang may pinaka-magandang boses, si Suga at Rapmonster ang gumagawa ng mga kanta nila, si Jimin at J-Hope 'yong mga magagaling sumayaw.

Eh ano namang meron kay Jin at Taehyung? Asset?

Well, si Taehyung asset talaga, ewan ko lang kay Jin, hindi naman kasi ako na-g-gwapuhan sa kanya.

Suicidal MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon