"Hey, Jack alis na kami." sabi ni Cyndhie sabay baba ng suot niyang aviators.
"Bakit hindi na lang din kayo lumipat dito?"
"Inaasikaso pa lang ang mga papers namin eh, just wait ok? At kung pwede lang Jack distansiya naman kay Jungkook." nginisian ko lang si Ericka bilang sagot, kung alam mo lang talaga.
"And, kay Jin din, ok?, you know naman na kahit pangit ay pinapatos ng isang iyon." sabi ni Andrea.
"Threaten?" Nakangising tanong ko sa kanila.
"Of course not!" Sabay pang singhal ng mga bruha habang umiiling. Bigla namang sumeryoso ang mukha ko dahil sa naging sagot nila.
"Ang sabi ko kailangan niyong mag-move on diba? Bakit gusto niyo pa rin sila?"
"Ah-, Jack, a-ano kasi--" nauutal na sambit ni Andrea kaya pinanliitan ko siya ng mata.
"Hindi naman kasi iyon ganoon kadali Jack, pero huwag ka ding mag-alala kasi hindi naman namin sisirain ang plano mo, ok? In fact handa pa kaming tulungan ka atsaka ayaw lang naming mabalitaan na may girlfriend na ang bias namin, duh! It hurts kaya." litanya ni Ericka kaya napatango na lang ako.
"Layas na." nasabi ko na lang bago ibalik ang atensiyon ko sa pag-aayos ng gamit ko sa aking back pack.
"Wait lang, nasaan nga pala si Mae? Bigla-bigla na lang nawawala ang isang 'yun eh."
"May work siya, remember? Kaya huwag na kayong magtaka, At kung pwede lang lumayas na kayo, take care ok? Bye." sagot ko kay Cyndhie kaya nag-silabasan na din sila like what I have said.
Napaisip ako bigla, kung mag-work din kaya ako? Like Mae, pero magkaiba naman kasi ang situation namin, siya mabilis na nakapag-finished ng studies kasi accelerated siya, while me? nag-aaral pa lang ako eh, pero pakiramdam ko ang sarap sigurong kumita ng sariling pera. Pag-iisipan ko 'yan! Sa ngayon kailangan ko munang pumasok ng school.
Pagbaba ko ng hagdanan ay dumiretso ako sa dining area at umupo sa nakalaang seat sa akin.
"W-what the?!"
Napalingon naman ako kay ate na halos malaglag ang kagat-kagat na sandwich habang nakatingin sa akin. Kinunotan ko siya ng noo and mouthed 'What?'
"Miracle do exist huh?, ano namang nakain mo little sis at naisipan mong sumabay sa aming mag-breakfast?" tanong ni kuya, gusto ko sana siyang irapan pero may kailangan ako ngayon at dapat magung mabait ako.
"I need a job, mom and dad." nakangiti kong sabi habang nagsisimula ng maglagay ng mga pagkain sa plato ko.
Mukha namang nagulat sila sa sinabi ko.
"Why Jack? Kulang ba ang allowance na bibinibigay namin sayo? Gusto mo bang dagdagan ko? May kailangan ka bang bilhin? Just tell me and I will give you money." mahabang litanya ni mom.
"No mom, I just want a job, gusto kong maranasan kung paano nga ba talaga kahirap kumita ng sariling pera." nakangiti kong sabi at halos mapanganga si ate at kuya sa sinabi ko.
"Wow, that's nice, anak." nakangiting sabi ni dad kaya ngumiti rin ako sa kanya pabalik.
"Ok,I think I get your point, don't worry magkakaroon ka din ng work basta ba willing kang bumalik ng pilipinas."
"What do you mean?" Takhang tanong ko kay mom.
Ngumiti siya sa akin tsaka binitawan ang hawak niyang kubyertos "Next week, uuwi kami ng Philippines para sa bagong company natin."
"Really? Oh my God! That's nice!" gilalas ko na may malawak na ngiti, pero nawala din agad ng maalala ko ang tungkol sa mission ko.
"Anyway, what kind of work?"
BINABASA MO ANG
Suicidal Mission
Teen FictionJack Lorraine Belvis, a privileged and obsessed fan girl who stops at nothing to capture the attention of her beloved boy band, BTS. Jack's world revolves around these seven talented and handsome boys, and she is willing to go to extreme lengths to...