Chapter XVII (School)

269 126 16
                                    

Halos maibato ko na ang hawak kong phone dahil sa inis, bakit ba kasi hindi ko ma-contact si Cyndhie at Andrea?!

"Princess Jack! Please hurry up, we're running late already!" sigaw ni Jin habang paulit-ulit na kumakatok sa pintuan.

And that's it! Binato ko na talaga ng tuluyan ang phone ko.

"Oo na nga! nandiyan na po!" sigaw ko rin pabalik habang ginugulo naman ang buhok ko.

Nag-one last look pa ako sa salamin, shit! Parang ordinaryong tao lang ako kahit magpapangit pa ng sobra, Goddess problems, tsk.

Pagkatapos kong gawin ang mga dapat gawin ay kinuha ko na ang backpack ko tsaka lumabas ng pinto.

"Ang tagal mo! Let's go na!" tsaka kami bumaba ng sabay kung saan sinalubong naman kami ng lima na nakasuot na din ng mga school uniforms.

"Sure ba kayong papasok kayo ng school?" tanong ko kay Rap Monster.

Dapat kasi talaga dito lang sila sa bahay eh, homeschool kumbaga, wala naman kasi silang specific na course, just like me, pang-back-up ko lang ang pag-pasok sa school kasi soon ako na ang mag-mamanage ng company.

"Yes Jack! Para mabantayan ka namin!" singit naman ni Jimin pandak kaya naman tango na lang ang naisagot ko, baka imbis na ako ang bantayan nila ako pa ang mag-bantay sa kanila.

Maya-maya may bumaba sa hagdan at parang nagmamadali, si J-Hope. Nakakunot ang noo niya at parang masama ang gising.

"Seriously guys?! I don't want to go to school!" Usal niya pero nakasuot naman ng uniform, edi wow.

"We need to Hoseok." sagot sa kanya ni RapMonster.

"What for?"

"Para kay Jack!" singit na naman ni Jimin kaya napatingin ako kay J-hope na masama na pala ang tingin sa akin.

"Pwede ka namang mag-stay dito kung gusto mo." Lakas loob na sabi ko kahit masama ang tingin niya sa akin.

"Badtrip." bulong pa niya na parang sa akin lang talaga ipinarinig bago padabog na naglakad palabas.

Bwisit 'yung kabayong baba na iyon, feeling gwapo, although gwapo naman talaga siya pero may ugali ang kumag. May pinagmanahan eh.

Speaking of pinagmanahan palihim kong sinulyapan si Taehyung na nagkataong nakatingin din pala sa akin.

"Good morning Jack!" Nabaling ang tingin ko kay Jungkook na bigla na lang sumulpot sa harapan ko.

"Good morning din Kookie!" Masigla kong sabi, ang gwapo kasi ni Jungkook.

"So buo na araw mo niyan Jack?" tanong niya habang sabay kaming naglalakad papunta ng van.

"Huh?" kunot noon namang tanong ko pabalik.

"Nakita mo na ako eh, diba crush mo ako?" sabay tawa pa ng gwapong kumag. Bwisit, bakit ba hindi niya makalimutan ang bagay na 'yon?!

"Ang kapal naman po ng mukha niyo!" Sigaw ko sabay hampas sa braso niya pero ayaw pa rin niyang tumigil.

Sinimangutan ko na lang siya at naunang maglakad.

Hanggang sa makapasok kami ng van he kept on talking about the 'crush thing' na ipinauso niya.

"Ang ingay mo naman! Tumahimik k-ka na nga!" bahagya pa akong nautal ng biglang pumasok din ng van si Taehyung at sa katabi ko pa talaga umupo. Jeez! I can smell his scent from here.

"I will shut up, in one condition." nakangising bulong sa akin ni Jungkook.

Tinaasan ko siya ng kilay kong hindi naka-pluck then I cross my arms.

Suicidal MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon