"Ang mga magagandang babae hindi dapat umiiyak."
Nakangiti niyang sabi tsaka tinanggal ang eyeglasses ko, hindi na ako nakaangal dahil masyado akong natutulala sa kanya. Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang panyo niya habang ako tulala pa rin.
Parang ayaw yatang mag-sink in sa utak ko na kaharap ko siya ngayon. Ang gwapo niya, siya ang dahilan kung bakit ang daming pangit na lalaki sa panahon ngayon, noong nagpasabog kasi ng kagwapuhan, hotness at talent ay gising na gising siya. Paksiyet, ano bang pinagsasasabi ko? Hindi pwede ito!
"Pangit kasi ako kaya ako umiiyak, 'yun ang gusto mong palabasin right?" Pabulong na sabi ko dahilan para mapahagalpak siya ng tawa. Ang gwapo niyang tumawa! Parang music sa ears.
"I like your attitude."
Napasimangot ako ng marinig ang sinabi niya, 'yun din kasi ang saktong sinabi ni Suga sa akin, magka-kuntsaba ba itong dalawa?
"Pero, hindi ka naman pangit ah!, slight lang." tapos tumawa na naman siya ng parang walang bukas, aba't kasasabi niya pa lang na maganda ako tapos ganito? Bakit ba nila ako ginagawang katatawanan?, kapag talaga tinanggal ko ang disguise ko baka tumulo lang laway nito, Chos.
"'Yung totoo, bakit ka tawa ng tawa?" seryoso kong sabi.
"Hindi nga, pero 'yung seryoso I can see na your beautiful, kulang lang talaga sa ayos."
I know right?, pero feeling ko nag-init ang mga pisngi ko dahil sa sinabi niya, siyempre kahit maldita ako may karapatan din naman akong kiligin, tapos sobrang gwapo pa ng kausap ko.
"You're blushing! Kinikilig 'yan!" sigaw niya sabay turo sa pisngi ko pero tinabig ko agad ang kamay niya.
"I'm not!" hindi ko napigilang isigaw dahil ang kulit niya, patay, dapat pala demure ako ngayon! Kasi naman eh!
"By the way name is Jin nga pala, you?"
Naglahad pa siya ng kamay pero hindi ko na lang pinansin, ayoko ng mas malapit sa kanila, baka ako pa ang mag-sisi pagdating sa dulo, atsaka hindi ba siya nakikinig noong nagpakilala ako sa harapan? Kaimbyerna!
"I don't care."
Biglang sumeryoso ang mukha niya at tinitigan ako, bipolar din pala ang isang ito.
"Bakit ba patay na patay ka kay V?"
Nagulat ako sa tanong niya, ano bang klaseng tanong 'yun? Walang kwenta eh!, ako patay na patay? Kailan?
"Dati, pero ngayon hindi na." malamig na sabi ko sabay iwas ng tingin.
Mula sa peripheral view ko ay nakita ko siyang tumango tsaka nag-shrugged, bigla naman akong may naalala at agad na tumayo pero bago pa ako makapag-lakad ay nahawakan na niya ang braso ko at hinila ako paupo.
"Walang klase, 'di na babalik 'yun."
"Huh? What do you mean?" Takhang tanong ko pero tsaka lang nasagot ang tanong ko ng ipakita niya ang phone niya sa akin.
Text 'yun at sinasabing may date daw sila, siya at 'yung teacher namin? Eff, may non-showbiz girlfriend siya? Bakit hindi ko alam? Maganda pa naman 'yung teacher namin at halos kasing age lang din namin.
"Eh ano pang ginagawa mo dito? Alis na! Baka hinihintay ka na noon, kanina pa." pinipilit ko siyang patayuin pero ang loko mukhang ayaw pa.
"I ditched her."
Nagulantang naman ako sa sagot niya ano bang klaseng boyfriend siya?
"Hey! Masamang ginaganyan ang isang girlfriend." nakasimangot na sabi ko, grabe naman siya, almost perfect pero iba naman ang ugali, turn-off.
BINABASA MO ANG
Suicidal Mission
Ficção AdolescenteJack Lorraine Belvis, a privileged and obsessed fan girl who stops at nothing to capture the attention of her beloved boy band, BTS. Jack's world revolves around these seven talented and handsome boys, and she is willing to go to extreme lengths to...