Chapter XLIV (Kinfolk)

143 66 12
                                    

Napatulala ako sa mga pinagsasabi niya. Tinulak ko siya palayo nang matauhan ako.

"N-no! Ano ba 'yang pinagsasasabi niyo?! Hindi naman porke't magkamukha kami ng Jack na 'yan ay ako na siya! I'm not Jack! My name is Anne!" sigaw ko sabay tayo

"Ikaw si Jack! Nasasabi mo lang 'yan dahil wala kang maalala!" sigaw pabalik ni Jin

Umiling ako ng sunod-sunod "N-no way!"

Napaatras ako ng akmang lalapit sa akin si Taehyung. May kung anong kumurot sa puso ko ng makitang umiiyak siya.

"J-jack--"

"Hindi nga sabi ako si Jack eh! Ano ba?!"

How dare them?! Kinausap lang ba nila ako dahil do'n?! Wow, just wow. Tapos ngayon, sasabihin nilang ako si Jack? How rude was this?!

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Mukhang nag-o-over-react na naman yata ako.

"Okay guys. Lilinawin ko sa inyo, I'm not Jack Lorraine kasi nga, ako si Anne. Kung ako talaga si Jack, ba't 'di ko ka'gad kayo nakilala?"

"May amnesia ka nga eh diba?!" galit na sigaw ni J-Hope

"What I mean is, no'ng una ko kayong nakita, d-dapat may naramdaman akong iba kung ako talaga si Jack, pero wala eh. Mag-kamukha lang kami, okay? Kung sinusubukan niyong ibalik si 'Jack' gamit ako, 'di ako papayag, may sarili akong buhay"

"No, hindi naman sa gano'n. G-gusto ka lang naming tulungang ibalik ang memories mo. Minsan ba, naisip mo kung bakit 'di ka makaalala? Isa lang ang ibig sabihin no'n, you didn't undergo on any treatment" mahabang litanya ni Rapmonster

"B-but--"

"Ikaw si Jack, prinsesa ka namin" nakangiti si Jimin pero halata naman sa mukha niya ang lungkot.

Wala sa sariling napaupo ako sa upuan.

'di ko masabi kung totoo ba ang lahat ng sinasabi nila o kung nag-sisinungaling sila sa akin, pero, ramdam na ramdam ko ang sinseridad sa bawat salitang binibitawan nila.

"'di mo lang alam kung anong klaseng lungkot ang dinanas namin no'ng mga time na bigla ka na lang nawala. We thought you're dead, pero, ito ka ngayon at 'di na namin hahayaang mawala ka ulit sa amin" litanya naman ni Suga

Ewan ko sa sarili ko pero bigla na lang akong nagkaro'n ng urge na umiyak sa 'di malamang dahilan.

Napahagulgol ako ng iyak dahil nananakit ang puso ko pero 'di ko naman masabi kung bakit. Fuck!

Ano bang nangyayari sa katawan ko?!

"Ang pangalan mo ay Jack Lorraine Belvis, isa kang malditang spoiled brat na walang ginawa kundi maging pasaway. Mahilig kang gumawa ng mga childish stunts para mapansin namin, at 'di ka naman nabigo dahil nakuha mo ang atensiyon namin" boses ni Jungkook

Hindi ako nag-angat ng tingin dahil ayokong makita nila akong umiiyak.

"And I was in love with you back then" dugtong niya pa dahilan para mapaangat ang tingin ko

"H-hindi ka na-in love s-sa'kin kundi kay J-jack" humihikbing turan ko

"Ikaw nga si Jack! Ano ba?! Tanga ka ba talaga o ano?! Ba't ba 'di mo matanggap?! Ikaw si Jack! Ikaw si Jack!" sigaw ni J-Hope

Hindi ako nakapag-salita.

"Ang kapal ng mukha mong itanggi sa'min! Wala kang alam kung pa'no kami nasaktan dahil ang akala namin wala ka na! Tapos ngayon bigla ka na lang dadating at sasabihing ikaw si Anne?! Wow grabe. Wake up bitch! Ikaw si Jack!"

Suicidal MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon