Chapter XXXVII (Heart+Ache)

175 68 41
                                    

Pagkatapos kong makapagbihis ay dumiretso ako ng kama. Sinubukan kong makatulog pero 'di ko magawa kaya napagpasiyahan ko na lang buksan ang hugis strawberry flat screen T.V. na nasa harapan ko.

Napabangon ako ng higa ng makitang BTS ang nasa balita.

Halos masira ko ang television sa narinig at nabasa

Sugar mommy? Meron silang ginamit para makapasok sila ng showbiz? Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang pangalan ni mommy.

"Fuck shit!" sigaw ko at bago ko pa masira ang t.v. ay isinara ko agad

Halos sumabog ang ulo ko dahil sa galit.

Kalma Jack, kalma. Malay mo 'di totoo 'yon, diba?

Oo tama. Showbiz eh kaya pwedeng gawa-gawa lang nila 'yon. Oh God. Imposible pati 'yon, mommy can't do that!

Pero pa'no kung totoo?

Teka! Naguguluhan na ako!

Akmang tatayo na ako ng higaan nang saktong bumukas naman ang pinto

"Bebe Jack? Oh, gising ka pa pala" salubong sa akin ni Taehyung

He's wearing a pair of minions printed pajamas with matching minions cotton slipper, he looks adorable.

Pero wala muna akong time ngayon para titigan siya.

"Totoo bang ginamit niyo si mommy para makapasok ng Big Hit?" 'di makapaniwalang tanong ko

Halatang nagulat siya. "Yes" maya-maya'y sagot niya

Ang akala ko pa naman itatanggi niya. Nakakayamot! How dare them!

"Gano'n ba kayo ka-desperado to the point na halos ibenta niyo na ang puri niyo?! At kay mommy pa talaga ah?!"

"What? Teka bebe Jack, ano bang pinagsasasabi mo?" nangunot ang noo niya, akmang lalapit siya sa akin pero umaatras ako.

"My mom used all of you to g-get laid! Tama b-ba?!" dinuro ko pa siya at halos tapunan ko na ng isang nakakadiring tingin

Nanlaki ang mga mata niya, inintay ko siyang mag-salita pero 'di naman niya ginawa kaya nagpatuloy ako

"Ha! 'yon pala ang 'scandal' na tinutukoy mo! Kaya pala ayaw mong sabihin sa akin kasi involve ang mommy ko!"

Huminga siya ng malalim

"You get it all wrong--"

"At talagang itatanggi mo pa huh?!"

"Wait kasi bebe Jack! Let me explain first okay?!" yamot niyang turan kaya wala na akong nagawa kung hindi manahimik at mapahalukipkip

"Yes bebe Jack, ginamit namin ang mommy mo para makapasok ng Big Hit, masisisi mo ba kami? Eh 'yon na lang namang talaga ang naisip naming paraan, pero hindi naman sa gano'ng paraan na sinasabi mo! God bebe Jack! Hindi naman kami gano'n ka-desperate! We work for your mom to gain her trust, at 'di naman kami nabigo kasi nakapasok kami ng Big Hit after no'n!" frustrated na litanya niya

"What kind of work? at bakit sabi sa balita sugar mommy niyo daw ang mommy ko?"

"We work as her bodyguard and--"

"Ano?! Bodyguard?! At pa'no naman nangyari 'yon aber?!" gulat na gulat kong putol sa sinasabi niya

He rolled his eyes "Yes bebe Jack, pinasok namin ang military bago namin makuha ang kung anong meron kami ngayon"

Wow. 'di kapani-paniwala 'yon ah!

Hindi sana ako maniniwala kung hindi ko lang napansin na seryoso ang tono ng boses niya, edi wow!

Suicidal MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon