Chapter XV (Fun)

328 124 19
                                    

"What?! No. No. No. I can't do that!" singhal niya agad pagkatapos kong sabihin sa kanya 'yung plano ko.

"Huwag ka ng maarte, gusto mo bang umuwi o ano? Duh! Ito na lang kaya ang only way." Malumanay kong sagot sa kanya pero inirapan lang ako ng kumag. Aba! Sumusobra na siya ah! "Bwisit ka ah! Kung ikaw kaya ang mag-isip ng paraan diyan, masyado kang choosy!"

Bakit kasi hindi ko nadala 'yung phone ko eh! Kainis!

Padabog akong naglakad palayo sa kanya at naupo sa tapat ng isang tindahan. Sumunod naman agad siya sa akin at umupo sa tabi ko. Para kaming tangang nakatitig lang sa mga sasakyang dumadaan. Madilim na rin kasi sa paligid.

"Fine! I will do it!" biglang sabi niya sabay tayo kaya ako din ay napatayo.

"At last!" Napangiti ako tsaka ko siya hinigit paalis sa lugar na iyon.

Huminto lang kami sa paglalakad ng marating namin ang isang park. Perfect place, buti na lang at marami pang tao kaya hindi kami mahihirapan. Pumwesto kami sa pinaka-gitna ng park.

"Sabi mo I will just sing, then, what will you do?" tanong niya. Ngumiti ako sa kanya tsaka hinubad ko 'yong suot kong hoodie then nilapag ko sa harapan namin.

"Ako ang magbabantay sa makukuha nating limos." then umupo ako sa harap niya.

"That's really unfair." sabi niya pa kaya inirapan ko na lang siya. "Ang arte mo talaga, kung ako sayo magsimula ka na lang kumanta diyan." 'tsaka ko inayos ng mabuti 'yong cap niya, mahirap na at baka may makakilala pa sa kanya.

Huminga siya ng malalim 'tsaka pumikit. Ang akala ko magsisimula na siyang kumanta pero bigla siyang tumingin sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay pero nagulat ako ng bigla siyang ngumiti sa akin.

Napatulala na lang tuloy ako ng wala sa sarili habang nakatitig pa rin sa kanya, hanggang sa hindi ko namalayang kumakanta na pala siya.

'Someone like you' 'yong kinakanta niya. Shit na lalaki ito! he's voice is really angelic, ang sarap lang pakinggan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla na naman siyang tumingin sa akin habang kumakanta pa rin. Kung siguro ako pa rin 'yung Jack noon, nangisay na ako sa sobrang kilig, ikaw ba naman ang kantahan ng ultimate bias mo ng harap harapan diba? Pero iba na ngayon, pero hindi ko pa rin maiwasang kiligin—ay ano ba talaga?!

No! Jack! Wake up! Umiwas ako ng tingin nang bigla kong maalala 'yung mga pinaggagawa niya sa akin. Kahit pa sabihin ng iba na OA ako, still ayoko talaga, masyadong mataas ang pride ko para gawin 'yun, duh! Wala naman kasi silang inaalagaaang reputasyon tulad ko.

Napabalik ako sa wisyo ng bigla may tumamang malamig na bagay sa noo ko kaya napadaing naman akong bigla. Pagtingin ko piso. Shit, nagulat pa ako ng makitang ang dami na palang taong nakapaligid sa aming dalawa.

Sunod ko na lang na narinig ay ang mga palakpakan sa paligid kaya napatayo ako mula sa kinauupuan ko tsaka pumalakpak na din.

Paulit-ulit naming ginawa iyon sa iba't ibang lugar kung saan maraming tao. Hanggang sa mapagod siya kakakanta.

Nakasimangot siyang lumapit sa pwesto ko. Bad trip na siguro 'to.

"Your voice is amazing." wala sa sariling nasabi ko. Biglang lumiwanag ang mukha niya 'tsaka ngumiti siya sa akin na ikinagulat ko naman.

"Thanks."

Did he just said 'Thanks'?. Nah. I think I'm hallucinating.

Nagsimula na akong damputin  'yung mga nalimos namin para makaiwas sa nakamamatay niyang ngiti. Makakauwi na rin kami.

Suicidal MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon