Hindi mapuknat ang ngiti sa labi ko habang kumportable akong nakahiga at nakatitig sa mga bituin sa langit.
I just can't get enough. Ngayon ko lang naranasan ang ganitong happiness. Sobrang saya lang, ang saya nilang kasamang pito.
Sandali kong nakalimutan na naglolokohan lang pala kaming lahat, and that's the worst part. Pero siguro, mas maganda munang kalimutan ko muna 'yon sa ngayon, i-e-enjoy ko na lang muna 'to.
"Jackie! Sure ka bang okay ka lang diyan?"
Bumangon ako mula sa pagkakahiga ng sleeping bed at sumilip sa baba "Oo nga Suga! Okay lang ako dito! Paulit-ulit? Matulog ka na!" sigaw ko pabalik
"Okay! Sabihin mo lang kapag 'di ka kumportable para makapagpalit tayo ng pwesto!" huli niyang sinabi
Bumalik ulit ako sa pagkakahiga.
Hay naku! Ang kulit talaga! Kanina pa kami nagtatalo-talo kung saan ba ako matutulog, sa huli napagpasyahan na lang namin na sa bubong ng van ang pwesto ko. Apat ang nasa dalawang tents tapos tatlo naman sa loob ng van.
Maya-maya tumahimik na ang paligid at tanging tunog na lang ng kuliglig ang naririnig ko, tulog na yata siguro sila.
Nagpaikot-ikot na ako ng higa pero 'di pa rin ako makatulog. Halos kalahating oras na yatang dilat ang mga mata ko at 'di man lang ako makaramdam ng antok. Jeez! Gusto ko nang matulog eh!
Naramdaman kong bumukas ang pinto ng van at sumarado, hindi ko na lang 'yon pinansin at ipinikit na lang ang mga mata ko.
Napamulat agad ang mga mata ko ng may pumitik sa tenga ko. Muntik pa akong mapasigaw nang makita ang nakangiting mukha ni Taehyung.
Napabangon agad ako
"What the heck?! Anong ginagawa mo dito?!" pabulong na halos pasigaw kong wika
"I can't sleep. Ang likot mo, nauuga ang van." nakangusong sagot niya
"Oh ano naman ngayon? Bumalik ka na nga do'n! Matutulog na ako"
Ang akala ko bababà na siya pero nagulat na naman ako ng bigla siyang pumasok sa sleeping bag at pinagsiksikan ang kanyang sarili.
Nanlalaking matang hinampas ko ang braso niya.
"God Taehyung! Ang sikip kaya! Umalis ka nga! Bwisit 'to! Alis!" pinaghahampas ko pa siya sa braso, pero ayaw magpatinag ng damuho.
"Anong masikip bebe Jack? Eh kasya nga tayo!"
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong yakapin habang nakadantay ang isang binti sa mga binti ko
"Hayup ka--"
Tinakpan niya ang bibig ko "One more word from you Jack Lorraine and I'll kiss you, you want that?"
Fuck! This is rape! Oras lang na makaalis kami dito, magsasampa ako ng kaso sa kanya, swear!
Tinabig ko ang kamay niya at 'di na nagtangkang mag-salita, tsk. Knowing Taehyung, gagawin niya talaga 'yon, manyak eh.
Lumayo na lang ako kahit wala nang uusugan, dapat pala 'yong pang-isahang tao na sleeping bed na lang ang kinuha ko. Bullshit, ang gorgeous ko kasi eh.
Lalo niya pa akong hinapit kaya napatigil ako sa pag-usog "Don't move, you're so kulit"
Hindi na lang ako gumalaw. Tsk. Para tuloy akong tuod nito, pa'no naman ako makakatulog sa lagay na 'to?
Naramdaman kong nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga, eh nasa leeg ko kaya ang mukha niya! Nakahinga lang ako ng maluwag nang mag-angat siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
Suicidal Mission
Teen FictionJack Lorraine Belvis, a privileged and obsessed fan girl who stops at nothing to capture the attention of her beloved boy band, BTS. Jack's world revolves around these seven talented and handsome boys, and she is willing to go to extreme lengths to...