Chapter 01: The Beginning

16.5K 193 3
                                    

ARMIE POV

"hello baby nakalapag na ko. where are you?" tanong ko.

"andito na. antayin kita sa labas. Alam mo naman na tong sasakyan ko right?" sagot sa kabilang linya.

"yap. Sige bye"

nagmadali akong lumabas ng airport bitbit ang bagahe ko. nang makalabas na ko ay di ko mapigilang mapahinto at namnamin ang simoy ng hangin.

Ilang taon na ba? Limang taon na simula ng umalis ako dito. Nakakamiss din pala talaga.

Nagsimula na kong maglakad. Ginala ko ang paningin ko sa paligid.

May mga may karatula pang dala ang iba para salubungin ang mga kamag-anak o kaibigan nila. meron ding may magagarang suot na mula pa yata sa mga mamahaling hotel, mga bakasyonista siguro ang inaantay.

"ate" isang sigaw na pamilyar at sunod-sunod na busina ng sasakyan ang nakapagpahinto sakin sa paglalakad. Nilingon ko ito at di ko mapigilang mapasigaw.

"baby Dan!" bumaba siya ng sasakyan at halos dambahin ko siya sa sobrang tuwa ko.

"tss! Ano ba ate nakakahiya ka" suway niya sakin.

"namiss lang kita. ikaw kasi hindi mo ko binibisita sa Texas" pagtatampo ko sa kanya.

"alam mo namang busy ako sa med school diba?"

"kahit bakasyon?"

"tsss! oo kahit bakasyon"

"ang sungit mo pa rin Danny baby."

"ate naman" reklamo niya. "nagkita naman tayo last year ah"

"oo nga pero ang point dito hindi mo ko binibisita sa Texas. Tapos di ka rin naman nagtagal sa Maldives last year."

"tsss! Busy nga eh"

"ang cute cute mo pa rin" sabi ko at pinanggigilan ang pisngi niya.

"ate ano ba?!"

napapangiti ako sa reaksyon niya. Ilang taon na ba siya? 24 na pero beybing baby pa rin siya sakin. siya ang bunso saming apat na magkakapatid, si Danny Perez.

Kinuha niya ang maleta ko at tsaka inilagay sa likod ng sasakyan.

"hanggang kelan ka ba dito?" tanong niya.

"naka indefinite leave ako. kumusta si Paige?"

"ayun naglilikot na. akala mo hindi naaksidente" mahinahong sabi niya.

Nagsimula ng mangilid ang luha ko sa sinabi niya. Si Paige Perez, ang pinakamahalagang tao sa buhay ko, ang dahilan ng pag-uwe ko ng Pilipinas.

"hey ate. Okay lang si Paige. She's strong. Pag nakita mo siya ipagpapasalamat mo na napipirmi na siya sa isang lugar ngayon. Grabe ang likot ng batang yun eh. mana daw sayo sabi ni Mama"

pinunasan niya ang luha kong tumulo na pala. Pinilit kong ngumiti para hindi siya mag-alala sakin.

Bubuksan na sana niya ang makina ng tumunog ang phone niya.

"si Mama" sabi niya at ibinigay sakin ang phone.

Sinagot ko ito habang si Danny ay sinimulan ng paandarin ang sasakyan.

"hello Ma" nakangiti kong bungad kahit alam kong di niya ko nakikita.

"Armie?"

"opo Ma, nagdadrive kasi si Dan eh."

"ay anak ikaw na pala yan. buti at nakalapag ka ng maayos. Kukumustahin ko sana ang kapatid mo kung nasundo ka na."

"okay naman po lahat Ma. Papunta na po kami dyan. How's my bebe girl?"

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon