NAVI POV
Isang tawag ang nagkapagpagising sakin. Phone iyon dito sa hospital. Napatingin ako sa wall clock at napangiwi ako ng malamang 20 minutes palang simula ng pinagpasyahan kong matulog.
Buti nagising pa ako. kapag kasi pagod ka at nakatulog ka na, minsan mahirap ka ng magising. Nasanay na rin ata ako sa pagtatrabaho ng 24 hours kaya kabisado na ng katawan ko ang tunog sa intercom ng hospital.
Tumigil ang pag ring ng telephone. Napatingin ako sa screen ng TV at wala pa ring pagbabago. Nagising bigla ang sistema ko ng mapagtantong intercom ang tumunog.
Baka umalis si Mie. Shit hatinggabi na.
Tatawag na sana ako sa Ward 3 ng magring ang phone ko. Tawag ito galing dito sa hospital.
"hello" sagot ko kaagad.
"Doc Navi this is from ward 3. Umalis po yung Ate nung pasyente sa room 302."
Agad akong napatayo at isinuot ang sapatos ko. buti na lamang at suot ko ang scrubsuit ko. Ni-ready ko na kasi ang sarili kung sakali mang mangyare ito.
"saan daw pupunta?" tanong ko habang palabs na ng suite.
"may bibilhin lang daw po. mga 15 minutes lang daw po siyang mawawala. pinapabantay po ang room 302 at baka daw po magising yung kapatid niya"
nasa elevator na ako at inaantay ang pagbukas nito.
"kelan siya umalis?" tanong ko.
"kaalis lang po"
"okay. pakibantayan nalang si Paige."
"yes doc"
pagkasabi nun ay ibinaba ko na ang phone ko at tsaka pumasok sa elevator. Nagdiresto na ko sa ground floor. kapag sa pharmacy ang punta nun ay tatawagan din nila ako. hopefully.
I'm trying to connect in the hospital pharmacy when I saw her.
ibinaba ko ang phone ko at nagmadali akong lumapit sa kanya. nakita ko siyang papara ng masasakyan niya ng hawalakan ko ang kamay niya.
halata ang gulat sa mukha niya kaya naman tinawag ko ang pangalan niya. mahirap ng makatikim ulit akong killer kick galing sa kanya kapag hindi niya ko nakilala.
the first time she used it to me akala ko mababaog na ko. Oh well that is still a question. Maybe tomorrow I'll undergo a fertility test to be sure.
"Nav" tawag niya sa pangalan ko.
Isang ngiti naman ang ibinigay ko sa kanya. Nawala lahat ng energy ko dahil sa balita ng nurse sa ward 3. ngayon unti unti ko ng nararamdaman ang pagod. napuyat ako kagabi dahil sa kakabantay kay Mie tapos di rin ako nakaidlip kanina. 20 minutes lang ang tulog ko tapos ito muntik pa kong matakasan ni Mie.
"anong ginagawa mo dito?" tanong niya sakin at pinasadahan ako ng tingin.
"working" sagot ko. buti na lang talaga naka scrub suit ako. may dahilan talaga ako kung bakit ako andito. "ikaw saan ka pupunta? madaling araw na" tanong ko naman.
hinila niya ang kamay niyang hawak ko bago sumagot. "may bibilhin lang ako"
"ano? hindi na ba yan makakapag-antay ng bukas? sino ang kasama ni Paige?" tanong ko.
napatingin naman siya sa watch niya. ang paalam lang pala niya ay 15 minutes.
"sige aalis na ko" sabi niya at nagtangkang umalis ng hawakan ko ang braso niya.
"sasamahan na kita. saan ka ba pupunta?"
"diba may work ka pa?" tanong niya.
"yes. pero kung malapit lang naman ang pupuntahan mo I can drive you. gabi na." sagot ko.
BINABASA MO ANG
UNBEARABLE Desire
Romance10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fell in love, I fell harder and I'm falling in love with the same person. It's happening over and over again. Kailan ba ko matututo? Akala ko...