MAREEN POV
Iniiwasan ko si Navi nitong mga nakaraang araw dahil na rin sa nalaman ko na nililigawan na niya si Armie.
Masaya siya alam ko, pero natatakot pa rin ako sa pwedeng gawin ng babaeng yun sa kanya. I can't trust her. She broke Nav twice at pwede niya ulit gawin yun.
Wala akong tiwala sa kanya at sa pagmamahal na meron siya para kay Navi. She can easily give up. Nav is not easy to handle lalo na kapag depress siya. I am afraid of what could have happen if trials come their way.
I love Nav. maybe not in a romantic way as before but i love him. Masasaktan ako kapag nasaktan siya. Wala pang napapatunayan yang Armie na yan kaya ayokong ipagkatiwala siya dito.
I already talk to Tita Scarlet, Navi's mother. Kinausap din daw siya ni Nav about kay Armie. Nung una ay against din siya sa gusto ni Nav lalo na sa agad na pagpapakasal nito, pero napilit din siya ng anak dahil masaya ito at siguradong sigurado na sa desisyon.
Kahit naman hindi ko pinapansin si Nav dahil nga sa balita niyang panliligaw at pakikiusap sakin na kilalanin si Mie ay nag-aalala pa rin ako sa kanya.
Ang bilis ng mga gusto niya. Hindi pa nga siya sinasagot ay pagpapakasal na kaagad ang iniisip niya. Masyado siyang nag-mamadali. What if pinapaasa lang siya nung Armie na yun? paano kapag hindi pa ito handang magpakasal? o kung bumalik na ulit ito sa ibang bansa at iwan siya?
Ang dami kong tanong. Ang dami kong iniisip. Ang gusto ko ay maging masaya siya at nakikita ko at nararamdaman ko na masaya nga siya kay Armie, pero may parte pa rin sa akin ang hindi maiwasang mag-alala.
Sabi nga sa kanta, too much love will kill you.
Paano kapag nasaktan siya ulit? Sobrang saya niya ngayon. Saya na hindi ko pa nakikita sa kanya noon.
Kung dati palang ay halos magpakamatay na siya sa pagmamahal niya kay Armie, ano pa ngayon?
Armie is weak. Nav is weak. No one is strong enough to save the other. Kung mahina sila pareho paano na lang ang mga pagsubok na haharapin nila in the future? pareho lang silang masasaktan.
Ang kailangan nilang dalawa ay matatag na taong aalalay sa kanila. maturity doesn't come with age. Nav appears strong, tough, strict but inside he's broken, waiting to be whole again.
I can't see that Armie is the right one for him.
Today is Ian's birthday. alam ko magkikita at magkikita pa rin kami ni Nav. ang nakakainis nga lang ay inimbitahan pa ng bwisit na birthday celebrant si Armie at ang mga kaibigan nito.
"Hey baby." tawag sakin ni Ian.
Nasa kotse niya kami at papunta na sa S Club para sa birthday celebration niya. Sinundo niya ako sa bahay at as usual useless lang ang pagtanggi ko dahil kahit kailan ay hindi yan magpapatalo sakin.
Ewan ko bakit sa club pa niya naisip mag birthday. for sure mambabae lang to dun.
Hindi ko lang siya pinansin kahit tinatawag niya ko. i-beybi niya ang mukha niya.
Rinig ko ang buntong hininga niya at tsaka napapagod na sinabing "birthday ko ngayon"
Napatingin naman ako sa kanya pero ang mata niya ay nasa daan pa rin.
Hinawakan ko ng mahigpit ang bag ko. Alam ko namang birthday niya. Hindi ko pa siya nababati pero may regalo ako na hindi ko alam kung paano ko ibibigay. Hindi ko kasi alam kung magugustuhan niya. Nakulitan na nga ang kapatid kong si Mandy sa kakatanong ko kung bagay pa ito o hindi kay Ian.
BINABASA MO ANG
UNBEARABLE Desire
Romance10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fell in love, I fell harder and I'm falling in love with the same person. It's happening over and over again. Kailan ba ko matututo? Akala ko...