Chapter 38

4.6K 68 9
                                    

DIANE POV

"ano? ready na ba kayo?" tanong ko kina Kate at Cass

"bakit kasi hindi ka na lang sumama?" tanong ni Cass.

"alam mo namang hindi pwede. baka makilala pa ko ng babaeng yun"

napag-isipan ko ang sinabi ni Mie. baka mamaya mabulilyaso pa ang plano kung sakali. sabi nga nila never under-estimate the opponent kaya mas maganda ng silang dalawa na lang ang pagkakita sa fiancee ni Navi. baka kasi tama nga si Mie at kilala din ako nung doctora.

"eh ano ngayon kung makilala ka? doctor naman siya. hindi dapat siya namimipli ng pasyente" pagtataray naman ni Kate

"ano ka ba mas maganda na ang nag-iingat. nanggaling na ako dito sa hospital na to noong naconfine si Paige kaya baka nakita niya ako or something. at tsaka Kate please lang wag kang umastang bitch mamaya. kinakabahan ako sa mga sasabihin at gagawin mo eh"

"tssss! i know what to do" sagot niya

"sabagay Diane tama ka baka mamaya hindi natin malaman kung buntis ba siya or not kapag andun ka. kaya mas maganda wag ka ng sumama para hindi siya mailang." sabi naman ni Cass

"yep. don't forget na yun ang pakay natin dito. baka mamaya mag-enjoy kayo kakatanong sa kanya ng about sa pregnancy malimutan niyo ang agenda" paalala ko. 

siyempre health concern nila yun kaya magiging interesado sila sa sasabihin nung doctor. baka mawala sila sa focus at malimutan ang talagang pakay namin.

"hindi yan no. si Armie ang priority ngayon" sabi naman ni Kate. 

Si Kate pwede pa kong magtiwala na hindi mawawala ang focus niya unlike Cass. alam ko naman na gustong gusto na niyang magka-anak at baka yun na lang ang maging concern niya mamaya tapos makalimutan na niya si Mie.

"okay sige. sa canteen na lang siguro ako mag-aantay. ginutom ako eh" sabi ko sa kanila.

"tsss" singhal ni Kate. 

ano ba naman yan! eh nagugutom nga ako eh. naubos ang glucose ko sa katawan dahil sa kakaisip sa planong ito.

"oo na sige itetext ka na lang namin." sabi naman ni Cass.

naghiwa-hiwalay na kaming tatlo. dumiretso na ko sa canteen dahil gutom na talaga ako. pagkain ang nasa isip ko ng pumasok ako. hindi ko naman lubos akalain na may bwisit pala akong makikita rito. hindi ko rin lubos maisip kung bakit biglang nagtama ang mata namin pagkapasok na pagkapasok ko sa canteen. pwede namang hindi diba pero talagang destined na ata ang pagtatagpo ng mga mata namin.

"Diane" gulat na tawag niya sakin. 

tinaasan ko naman siya ng kilay. 

Diane? feeling close?

nakita ko siyang ngumiti tapos kumaway. 

attention seeker ba to? 

pero dahil kaibigan pa rin siya kahit paano ni Mie ay papansin ko na lang siya.

ngumiti ako kahit pilit lang at tsaka nagdirediretso sa pwesto nila. may kasama siyang babaeng na mukhang doctor din na gaya niya. may coat kasi itong suot unlike sa attention seeker na lalaki na naka formal outfit. 

Hindi sila ang pakay ko rito. nagkataon lang na madadaanan ko sila kapag pumunta ako sa mga paninda kaya wala akong magagawa.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya ng makalapit ako.

napahinto tuloy ako sa paglalakad kahit ayoko na sanang pansinin siya. kunot noo ko siyang tinignan. ang totoo niyan ay hindi ko siya kilala. di ko alam kung sino siya sa mga kaibigan ni Mie. kung siya ba si Air, si Lloyd or si Ian.

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon