IAN POV
Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko sa magpinsang nag-uusap sa harap namin ni Mareen ngayon.
Hindi nila pansin na kanina pa kami nanonood at nakikinig sa kanila. Masyado silang nakatutok sa isa't isa.
Kung titignan ko ngayon si Mie ay hindi ko maiwasang maawa sa itsura niya. Sa experience ko pa naman sa mga pasyente ko ay alam ko may pinagdadaanang malaki si Mie. Hindi lang ang pagbubuntis niya ngayon ang problema niya.
Napatingin ako kay Mareen. Nakatutok lang siya sa dalawa. Bakas sa itsura niya na marame siyang gustong itanong at sabihin.
Any moment from now i know she'll do something.
Hinawakan ko ang braso niya. Sandaling tinapunan niya ko ng tingin at agad ding bumalik sa dalawa ang atensyon niya.
Nang makita kong gumalaw siya para lapitan sila ay pinigilan ko siya.
Narinig kasi namin ang suhesyon ni Diane na ipaako ang anak ni Mie kay Nav.
Agad ding umusbong ang galit sakin pero nilabanan ko. Alam ko desperada lang sila sa problemang ito.
Nakahinga naman ako ng maluwang ng hindi sumang ayon si Mie. At kahit naman pumayag si Mie ay hindi ko hahayaang lokohin nila si Nav. Kaibigan ko yun at alam ko lahat ng pinagdaan niya. Hindi ko hahayaang mangyare na naman ang mga nangyare sa nakaraan.
Hindi ko alam kung paano niya tatanggapin ang balitang ito pero sa pagkakaalam kong pagmamahal niya kay Mie, lahat tatanggapin niya. kahit na may anak na ito sa iba. Ibang magmahal ang gagong yun. Baka ikamatay na niya pag nawala pa sa pangatlong pagkakataon si Mie sa buhay niya.
Nararamdaman ko ang sakit sa pagsasalita ni Mie. Alam ko hindi niya gugustuhing masaktan si Nav. Mahal niya ang kaibigan ko.
I saw how she chased Nav before. How she secretly hurt when Nav said he can't love her at alam ko mas nasasaktan siya ngayon. ang isipin pa lang na masasaktan na niya si Nav ay masakita na para sa kanya.
Kahit naman hindi ko sila madalas makita gaya noon ay alam ko ang nararamdaman nila sa isa't isa. mahal na mahal ng dalawang yan ang isa't isa. may mga desisyon nga lang silang mali pero ang nararamdaman nila ay kahit kelan hindi naging mali.
Patuloy lang ang pakikinig namin sa kanila kaya naman ng sinabi ni Diane na kasal na si Nav ay sa nagtinginan kami ni Mareen.
Saan nakukuha ng isang to ang mga pinagsasabi niya? Kanina pa kami nagugulat sa mga pinagsasabi niya.
Nagulat at naguguluhan kaming nagtinginan ni Mareen.
Gusto kong matawa pero ang seryoso ng magpinsan. imposible naman kasi ang sinasabi niya.
"Nagpakasal ba kayo ng di ko alam?" Tanong ko kay Mareen.
Tinignan naman niya ako ng masama.
Kung totoo man ang sinasabi ni Diane ang tanong ay Kelan at paano? Naging workaholic si Nav for the past years after he and Mareen broke up.
3 years ago ng tuluyang bumigay siya. He even had an accident that year.
Lasing ba siya ng nagpakasal siya? Walang sinabi si Nav tungkol sa bagay na yun. Hindi rin naman niya isesekreto ang bagay na yun kung sakaling nangyare nga.

BINABASA MO ANG
UNBEARABLE Desire
Romance10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fell in love, I fell harder and I'm falling in love with the same person. It's happening over and over again. Kailan ba ko matututo? Akala ko...