Chapter 21

4.8K 70 8
                                    

MAREEN POV

Kahit gusto kong pigilan si Nav sa gusto niya ay wala naman akong nagawa. matimbang pa rin si Armie kahit na kanino pa.

kahit naman kasi pigilan ko ang sarili kong mag-alala sa kanya ay di ko kayang gawin. parte na talaga si Navi ng buhay ko. parang itong asungot na pumasok sa clinic ko.

"hey baby" bati niya sakin kaya napairap ako.

umupo na ko sa chair ko at kinuha ang telephone. dinial ko ang number ni Tami.

"yes doctora?" tanong niya sa kabilang linya.

"wala pa bang patient?" tanong ko. ayoko kasi na makausap ang haliparot na nasa harap ko.

"wala pa po. mukhang late po si Mrs. Medina"

"okay papasukin mo nalang kaagad pag dumating. tell the reception na tatanggap na ko ng walk-ins" sabi ko at tsaka binaba ito.

Hindi kasi ako madalas tumanggap ng walk-in patients dahil ayokong ma-rattle. at isa pa nasa Pilipinas tayo uso ang Filipino time kaya naman madalas late ang mga paseynte ko at naiipon kapag sunod sunod ang dating nila.

"walk in patients ha? don't stress yourself baby. may operation ka pa mamaya"

napairap naman ako sa sinabi niya kahit tama siya. Naiinis pa rin kasi ako sa kanya.

"bakit ba iniiwasan mo ko?" tanong niya.

"may gagawin pa ko Ian umalis ka na muna" sabi ko na lang. ayoko ng makipagtalo. 

katatapos ko lang makipagplastikan kay Armie, Makipagbangayan kay Navi tapos ito andito ang malanding to at kung anu-ano na namang pambobola ang sasabihin.

"may next patient will arrive in 30 minutes kaya may time pa ko. bakit nakapatay ang phone mo?" tanong niya sakin. tinignan ko naman ang phone ko at oo nga hindi ko pa rin ito binubuksan.

"lowbat" sagot ko na lang.

"why tito called me and asking what I did to you? nagpapasundo ka daw sa kanya at pinapasabi mo daw na layuan na kita. he's trying to call you pero unattended ka kaya sakin tumawag at pinagalitan na naman ako. tell me what did i do?"

nanlalaking matang tinignan ko siya. si Daddy talaga oh sabi ng wag ipaalam eh. nakakainis talaga oh.

"ayokong makisabay mag lunch sayo. at tsaka may usapan na kami ni Nav"

"hindi. sakin ka sasabay may usapan na rin tayo."

naiinis na naman ako. ayan na naman siya sa pagiging bossy niya. bakit di nalang siya dun sa darling niyang si Diane. sila ang magsama pareho silang malandi.

"wag mong sabihing si Diane pa rin ang issue dito?" tanong niya.

hindi naman na ko nagsalita. kahit gustong gusto kong sabihin hindi! bakit si Diane ba ang issue dito? ang issue ay ang lunch at si Navi ang gusto kong kasabay maglunch at hindi siya..

"nakilala ko lang siya sa bar kagabi. pinsan siya ng isa sa mga kaibigan namin nila Air at kaya siya tumawag dahil hinahanap niya samin ang pinsan niya."

as if naman pinag-eexplain ko siya.

"Inaasar ko lang si Diane sa phone kaya ganun ang usapan namin kanina"

ah! so ngayon may iba na siyang inaasar bukod sakin. tapos ano sa susunod liligawan din niya. naku ang playboy na to ay hinding hindi na talaga magbabago.

"bakit ka ba nag-eexplain? may plano na kami ni Nav kaya I will have a lunch with him"

"Nope" matigas na sabi niya. pinipilit ko ng kalmahin ang sarili ko dahil naiinis na naman ako. "and baby sabi ko sa daddy mo na ako ang maghahatid sayo. so don't expect him after your shift"

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon