Chapter 32

4.2K 73 1
                                        

ARMIE POV

Kinakabahan ako. Nakareceived ako ng tawag kay Nav na papunta na raw siya.

Hindi na ko mapakali at kanina pa nag-iisip.

"Hoy couz! Kumalma ka nga. nahihilo ako sayo" sita sakin ni Diane.

Nahinto naman ako sa paglalakad. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala ako lakad ng lakad na walang patutunguhan. 

"daig mo pa ang di mapaanak eh" dagdag pa niya.

Dumating kasi siya kasama ang asawa't anak niya. Gusto lang din kasing makita ni baby Dan ang pinsan niya.

"Kinakabahan ako Diane. Natatakot ako sa pwedeng mangyare" sabi ko.

"Everything will be fine. Ewan ko ba bakit kinakabahan ka eh sasabihin mo lang naman ang totoo"

"Sa tingin mo madali lang sabihing 'Nav may anak tayo. Si Paige. Nagbunga ang pagtataksil natin sa asawa mo. May bastarda kang anak' tsss!"

"Alam mo couz maling mali ang pinagsasabi mo eh. Dapat ganito 'Nav may anak tayo. Si Paige. Nagbunga ang kalibugan natin. May anak kang magiging sakit ng ulo katulad ko' ganun dapat" natatawang sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin pero tawa pa rin siya ng tawa. Ang gaga talaga.dinadaan sa biro ang lahat.

"Couz ano ba. Relax! Darating at darating ang time na yun. Just go with the flow okay? Malay mo ito na ang simula ng forever mo"

"Tsss! Walang forever"

"Wag kang bitter. Malay mo happy ending rin ang kahihinatnan niyo"

"Walang happy ending! Sa pelikula lang yun"

"You are so mean! Ewan ko sayo. Kelan ka pa naging bitter ng ganyan? Ampalaya ba ang ulam mo kanina?"

Nakakainis kasi! Bakit nga ba bitter ako? 

Kainis naman kasi eh, hindi naman ako ganito. Dahil talaga kay Nav nagiging bitter ako. Tapos naiinsecure pa ko sa asawa niya.

"hindi pa ko kumakain" singhal ko naman sa kanya.

DING DONG

Nagtinginan kami ni Diane tapos nanlaki ang mata ko.

"Si Nav na kaya yan?" Tarantang tanong ko.

Napatingin akon sa wall clock ng receiving room at nakitang alas dos na.

"Para kang baliw dyan. Labasin mo kaya" sabi niya.

"Wait lang" sabi ko sabay alis doon.  tumingin ako sa pintuan pero kinabahan lang ako lalo kaya Umakyat ako sa taas dahil sa sobrang kaba.

Kapag kasi may bisita kami ay sa receiving area sila pinapa-stay. Eh dun kami nakatambay ni Diane. Yun din kasi ang playing area ni Paige kapag walang bisita. Maluwang kasi talaga ang kwartong yun.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kinakabahan ako eh. kung ayain ko na lang kaya ng inuman si Nav? Baka sa puntong yun masabi ko na ang sekreto ko.

Ganun naman ako kapag lasing eh. Kung anu ano ang mga pinagsasabi ko. At least kapag ganun hindi na ko mahihirapan diba?

Hindi nga ba?

Baka hindi naman ako seryosohin ni Nav nun. Tsaka panigurado kokomprontahin niya ako kapag nasa matinong pag iisip na ko.

"Mie"

"Ay palakang dilat" napatalon ako sa gulat ng marinig ko ang pangalan ko.

"Okay ka lang?" tanong niya.

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon