Chapter 05

6.9K 119 2
                                    

ARMIE POV

"I can't believe it's you" di makapaniwalang sabi ni Ian.

"hello Ian long time no see" nakangiting sabi ko.

"kelan ka pa bumalik? Diba nasa Dubai ka?" tanong niya.

Napatingin naman ako kay Mama at halata ang pagkagulo niya sa nangyayare.

"kakabalik ko lang ngayon" nakangiting sabi ko sabay tignin kay Paige na natutulog.

"oh sorry about that. mukhang napauwe ata kita sa dahil sa nangyare sa kapatid mo. pero sabi ni Air okay na daw si Paige. Sorry ulit." Pagpapaumanhin niya.

"ah doc. Mali po kayo ng akala, anak po niya-"

"Ma" putol ko sa sasabihin niya "kaibigan ko po tong si Ian. Di niyo sinabi na siya pala ang muntik makabangga sa kapatid ko." ngiting sabi ko.

halatang naguguluhan naman si Mama sa sinasabi ko. buti na lang at inakala ni Ian na kapatid ko si Paige. Hindi niya pwedeng malaman na anak ko siya baka magkaproblema.

"Ian sa susunod naman mag-ingat ka" baling ko sa kanya. "ikaw babalian ko eh" 

"pasensya na nagmamadali kasi ako nun eh." pagpapaumanhin niya.

"tss! Hanggang ngayon ba naman nagwowork ka na late ka pa rin?"

ngumiti naman siya sakin. "ang tagal na kitang di nakita. Ilang years na ba? 7 years?"

"8 years. ang gwapo mo na nga eh. babaero ka pa rin ba?"

napakamot siya sa ulo at mukhang nahihiya. "Woooah! Wag mong sabihing may asawa't anak ka na?" di makapaniwalang tanong ko. pero in fairness ang gwapo na niya ngayo kaya imposibleng wala pang asawa to dahil nasa edad na kami.

"wala pa eh." sagot naman niya.

"ah niliigawan pa lang? pinapahirapan ko no?" usisa ko.

tumango lang siya bilang sagot. napangiti naman ako sa nalaman ko.

"dapat lang sayo yan dahil sa dame ng pinahirapan at pinaasa mong babae" napakababaero kaya nitong si Ian. 

napabuntong hininga naman siya. mukhang seryoso nga talaga siya sa babaeng nililigawan niya.

"ikaw kumusta ka na? may asawa't anak ka na ba?" tanong naman niya.

"ah ano-" napatingin ako kay Mama. Nakita kong umiling na lang siya dahil sa mga pinagsasabi ko. "busy ka ba? Gusto ko kasi ng coffee, samahan mo naman ako. wala kasi akong alam dito. Kadarating ko lang kanina." pag iiba ko ng usapan. 

"pasensya ka na ulit at napauwe tuloy kita ng Pinas" nakangiti niyang sabi. para tuloy natutuwa pa siya at hindi nagpapasensya sa nagawa niya. "wala naman akong pasyente kaya tara sa labas." aya niya.

"yun malapit lang ah. gusto ko din kasi makausap yung mga doctor ni Paige eh. Ma tawagan kita ah. bibili na rin ako ng sim agad agad." Sabi ko sa kanya.

Tumango naman si Mama. Alam ko nagtatanong ang mga tingin niya pero alam din niyang may oras pa para makapagusap kami at hindi ngayon yun lalo na at nahuhulaan niyang tinatago ko ang katotohanan sa doctor na kasama namin.

"pag hinanap ako ni Paige Ma sabihin mo nagcoffee lang ako. tara Ian" aya ko. alam ko marameng itatanong sakin si Ian at ayoko din kasing may masabi siya na ikabibigla ni Mama o kaya baka magising si Paige at mas mahirap magpaliwanag lalo na't matanong na ang anak ko.

"kumusta kayo?" tanong ko kay Ian habang naglalakad kami.

"si Navi ba ang gusto mong kamustahin?" tanong niya na nakapagpabigla sakin. Ngayon ko na lang ulit narinig sa iba ang pangalan niya. Ang tagal na rin ng huli at hindi naman common ang name niya kaya nagulat ako ng direktang marinig ito sa bibig niya.

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon