Chapter 18

5K 85 1
                                    

NAVI POV

Buong byahe pabalik ng hospital ay tahimik lang si Mie.

Nakain na ata niya ang dila niya.

Tinignan ko siya pero mukhang malayo ang iniisip niya. Gusto kong magtanong pero ako ang nagsabing tumahimik muna siya.

Hindi ko alam na susundin niya ko. I mean sa tigas ng ulo ni Mie? Ni hindi nga rin yun makatagal sa katahimikan. Ang daldal kaya niya.

I don't really like this changes she has now. Naging reserved na siya. Kung hindi ko lang siya nakasama buong gabi iisipin ko na ibang babae to ngayon. Alam ko may hesitations siya sakin. Ramdam ko. She's just hiding it from being angry and sarcastic. but why?

"Mie about Paige" pag-uumpisa ko ng nakapag park na kami.

Tumingin siya sakin. " Thank you for making her happy kahit ngayon lang" sabi niya bago tuluyang bumaba.

nagmadali naman akong sumunod sa kanya.

"Mie who is Dee? ano ang role niya sa buhay ni Paige? Bakit niyo siya hinayaang maniwala na totoo ang taong wala?" tanong ko.

Napahinto siya sa paglalakad. Napatingin ako sa kanya ngunit sa baba lang ang tingin niya na parang natulala pa.

Hinawakan ko ang balikat niya na nagpabalik sa kanya sa realidad.

"Are you alright?" Nag aalalang tanong ko.

napaangat naman siya ng tingin sakin. "Ah oo." tumatango pang sagot niya.

"Is Dee also a hard topic to you?"

Tinignan lang niya ko bilang sagot.

"Mie ayaw mong pagusapan ang kagabi. Ayaw mong pag usapan si Dee. Ano na lang ang gagawin ko?"

"Don't ask about last night dahil wala ka namang kinalaman dun"

"Wala nga ba?" Tanong ko

Nagtatakang tumingin naman siya sakin. Napabuntong hininga naman ako.

Ano na lang magiging reaction niya kapag nalaman niyang I took advantage of her last night?

Sa sitwasyon namin ngayon parang kapag sinabi ko yun ay mas magiging magulo pa ang lahat. Baka hindi na niya ko mapatawad.

"Forget about it" sabi ko na lang "let's talk about Paige at kung sino si Dee sa buhay niya. So I would know what's my role in this situation. Sa nakikita ko sobrang espesyal siya sa buhay ni Paige. It hurts me to see her down and disappointed nung sinabi ng Mama mo na hindi ako si Dee. so when I told Your sister that I'm Dee, her eyes smile. Masaya siya na finally pinuntahan na siya ni Dee. I know he has a big part in her life. tell me paano nangyare yun?"

"I know" tanging sagot niya na para pang nasagot na nun ang tanong ko.

"Why did you let her lead in the wrong track Mie. You know children, naniniwala sila sa matatanda. That's their nature. When you implanted in her the idea of Dee hindi na niya binitawan to. Now, she wants to meet him like he actually exist"

"He exists" mahina niyang sabi na nakakuha ng attention ko.

"What did you say?"

"He exists. He's true"

"Pero sabi ni tita-"

"He exist Nav. Paige knows him. But he don't know Paige."

Ngayon ako naman ang naguguluhan.

"I just need time para makausap siya. Ayoko naman kasing umasa si Paige sa wala kapag hindi naman darating ang hinihintay niya"

"Mie-" 

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon