Chapter 62

3.6K 52 11
                                        

ARMIE POV

Naikwento na sa akin ni Diane ang pinag-usapan nila ni Ian. Hindi tuloy ako mapakali. Binibigyan niya lang ako ng hanggang birthday ni Paige para sabihin ang totoo. ilang araw na lang iyon at hindi ko alam kung makakakuha ako ng lakas ng loob bago yun.

kung ako lang ang tatanungin ay gustong gutso ko ng sabihin. Ang kaso natatakot ako sa magiging reaksyon ni Nav, sa magiging kalalabasan ng lahat.

RING

napatingin ako sa phone ko. Unknown number ang tumatawag.

sino naman kaya ito?

"hello" sagot ko

"Armie" tawag sa kabilang linya. medyo pamilyar ang boses niya pero hindi ko alam kung sino.

"sino to?" tanong ko. kilala niya ako samantalang ako hindi ko maalala kung saan ko narinig ang boses na yun.

"si Mareen to" sagot niya.

Agad na tumalon ang puso ko. ang bilis ng tibok nito dahil sa kaba.

bakit ako tinawagan ni Mareen? anong kailangan niya? alam na kaya ni Navi ang totoo?

"Yes?" Kinakabahang tanong ko.

"Let's meet today, 6pm Starbucks Tomas Morato"

Magsasalita na sana ako ng babaan niya ako ng telepono.

Nabalot ng takot ang puso ko.

Bakit niya ako kailangang makausap?

Ang dame ng pumapasok sa isip ko. Gusto kong tawagan si Diane kung ano ang dapat kong gawin. kaya lang ayoko ng madamay pa siya.

Alam ko darating din ang puntong ito. mag-uusap at mag-uusap din kami. Ako naman kasi ang puno't dulo ng lahat ng kasinungalingang ito kaya kailangan ko tong ayusin mag-isa hangga't makakaya ko.

pero handa na ba ako?

Paano kung hilingin niyang iwan ko si Navi? Sa kwento palang ni Diane sakin sa usapan nila ni Ian ay alam kong mahal pa rin ni Mareen si Navi. Hindi naman mawawala yun eh. Ilang araw palang mula ng maghiwalay sila. malamang ang feelings ay hindi pa rin mawawala.

Ramdam ko naman na mahal ako ni Navi. Ngayon pa ba ako susuko kung kelan abot kamay ko na ang kaligayahan ko?

Naging lutang ako ng mga sumunod na oras. Isa lang ang nasa isip ko. Hindi ko iiwan si Navi. Ayoko na siyang saktan at gusto ko ng maging masaya.

RING

Cass Calling...

Napapikit ako bago sinagot ang tawag niya.

"Hell-"

"Armie totoo ba?" Tanong niya kaagad at hindi man lang tinapos ang pagbati ko.

Hindi ako nakapagsalita kaya naman siya ulit ang nagtanong "are you pregnant? Totoo ba ang sinabi ni Diane?" Tanong niya.

Hay! Parang nangyare na to 5 yrs ago. Si Diane din ang unang nakaalam na buntis ako at dinaldal niya rin yun sa barkada kaya nalaman nila Kate at Cass

"Yes" tipid na sagot ko

"Oh my God! Seriously?" Natatawa niyang tanong. "Lahat tayo buntis? Hanep na kapalaran naman ito"

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon