Chapter 35

4.2K 53 0
                                        

NAVI POV

What's her problem?

Napapailing na lang ako habang sinusundan siya palabas ng bahay. 

Doesn't she want me to leave?

Ang hirap niya minsang ispelingin eh. hindi pa ba halata sa pag-uusap namin kanina na siya ang pinili ko 5 years ago dahil kung hindi ay kasal na sana kami ni Mareen ngayon.

pero sa asta niya ngayon parang wala lang ang balita yun. ni hindi nga niya nagawang magtanong kung bakit hindi pa rin kami kasal ni Mareen after 5 years.

Kung nagawa niyang magtanong sasabihin ko naman ang totoo. na mahal ko siya noon pa at Hindi ko pala talaga kayang mawala siya.

5 years 5 months ago...

"Goodbye" huling salita niya bago tuluyang sumara ang elevator.

Ang sakit! King ina yan! Bakit ang sakit-sakit ng salitang yun? Kung tutuusin normal lang ang magsabi ng goodbye. lagi ko rin naman naririnig yun pero bakit nang manggaling kay Mie ang mga salitang yun ay tagos hanggang buto. Daig ko pa ang namatayan sa sakit na naidulot nun.

Nagulat nalang ako ng makalabas ng condominium nila Mie at Makita ang liwanag ng gabi. Hindi ko man lang namalayang nakalabas na pala ako. lutang ang isip ko sa mga nangyare.

Tumingala ako at tinignan ang mataas na gusali. Hinanap ko kung saan sa mga bintanang iyon ang kwarto ni Mie.

"Ahhhh" sigaw ko. napatigil at napatingin sakin ang mga taong papasok sa condo, pati si manong guard ay tinitignan din ko.

"Fvck this" hampas ng kamay ko sa ere.

Mie hindi ko kaya. Hindi ko talaga kaya.

Next thing that happened, I'm running. I'm running back to where my heart truly belongs.

nagmadali akong tumakbo pabalik ng unit nila Mie. oo hindi ko kaya. hindi ko kayang mawala ulit siya sakin. tatlong taon akala ko nakalimutan ko na siya. akala ko sapat na si Mareen para makalimutan ko siya pero nagkamali ako. Si Mie pa rin talaga. Ayokong nakikitang umiiyak siya dahil nasasaktan rin ako.

Alam ko sa gagawin kong ito si Mareen naman ang masasaktan ko. Ang fiancee ko na walang ginawa kundi mahalin at intindihin ako.

paulit ulit kong pinindot ang buttons ng elevator na para bang magiging mas madali ang pag-akyat ko. ilang beses ding huminto ito sa ibang mga floors bago ko narating ang floor unit nila.

Nakita kong nagkakagulo ang mga tao sa floor nila. "dalhin natin sa hospital dinudugo siya" rinig kong sabi ng isang babae.

gusto ko sanang tumulong pero marame ng tao ang naroon at hindi ko makita ang pasyente. Isa pa si Mie ang importante ngayon.

Tinakbo ko ang unit nila. Paulit-ulit akong nagdoorbell pero walang bumubukas. sinubukan kong kumatok habang tinatawag ang pangalan niya pero wala pa rin.

when I dialed her digits ay wala ring sumasagot.

"Mie" tawag ko sa pangalan niya sa hangin.

Saan siya nagpunta? 

Ang bilis naman niyang nawala. Tumingin ako sa paligid. Ang mga nagkakagulong tao kanina ay wala na. naitakbo na siguro sa hospital yung dinudugong sinabi nila.

Hindi kaya si Mie yun?

kinalma ko ang sarili ko. imposible yun. okay si Mie kanina. maliban na lang sa namamaga niyang mata. tinignan ko ang kalapit na kwarto.

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon