ARMIE POV
Paalis na kami ngayon papunta sa Marian hotel para sa birthday ng anak ni Zack.
sobra ang kaba ko kanina ng inakala kong narinig na ni Nav ang pinag-uusapan nila Steph at Paige, yun pala ay inaantay lang ako nitong sabayan siya.
Hindi naman naging tahimik ang pag-upo ko kasama ang barkada ni Nav. nakikipagkwentuhan sila sakin lalong lalo na si Llyod. Ang asawa niya ay maganda at mabait. kinakausap din niya ako.
Dumating din ang ibang kaibigan ni Yuni na namumukhaan ako. Sila ang barkada ng pinsan kong si Aya. sabi nga nila si Aya lang daw ang hindi nakapunta ngayong birthday ni Aiken. Ayaw daw kasi itong paalisin ng asawa pero nagpadala naman ng regalo.
bigatin talaga ang pinsan kong yun dahil in demand siya. linguist kasi yung pinsan kung iyon. ang dameng salitang kayang sabihin. hindi ko nga alam kung paano niya nagagawa yun. sabi niya pinag-aralan daw niya. pero lahat ata ng lengwahe sa mundo ay alam niya.
Hindi naman ako inaway ni Mareen gaya ng inaasahan ko. tahimik nga lang siya pero madalas nahuhuli ko siyang nakatingin sakin. magkatapat kasi kami sa lamesa kanina. Si Nav ay nakaupo sa kabisera at napapagitnaan namin siya ni Mareen.
Masaya ang party. Si Paige ay nakikisali sa mga laro kahit na ganun ang lagay niya. nanalo din siya sa pahabaan na magsabi ng 'happy birthday Aiken'.
tuwang-tuwa siya at nagawa pa niyang maglakad ng walang crutches. pasaway na bata talaga. akala ko nga maghihiyaw siya sa sakit eh, mukhang kaya naman niya. pero kahit ganun ay ayokong gawin niya yun. hindi muna pwedeng bigyan ng pressure ng binti niyang may cast. kaya nga siya may crutches para hindi niya magamit ang binti niyang may fracture.
nang sumapit ang alas singko ay nagpaalam na kami. sabi ko nga kay Nav na magtataxi na lang kami at magpaiwan na siya. ayaw kasi kaming paalisin kaagad nila Yuni at Air pero nasabi ko ngang nakapangako na ako sa isang kaibigan at kailangan kong dumalo. wala na rin naman silang nagawa.
Para hindi magtampo ang mag-asawa ay babalik na lang daw si Nav mamaya kapag naihatid na kami sa bahay. hay naku ang sama nga ng tingin ni Mareen sakin kanina eh. di ko tuloy napigilang ngisian siya.
pakiramdam ko kasi ako ang pinipili ni Nav over her. oo nag-uusap at nagtatawanan sila ni Mareen but never akong pinabayan ni Nav. maya't maya niya kong kinukumusta. pakiramdam siguro niya out of place ako kahit hindi naman.
natutuwa ako sa magjowang sina Jarred at AJ. panay ang kwento ni Jarred about medschool. panay nga ang reklamo nito na kinatatawa ko. paano ba naman ang tinis ng boses niya. baklang bakla. tapos itong si AJ naman sinasaway siya. who would have thought that they're a couple.
Both are bi sexual of course, pero halatang love nila ang isa't isa. isang lalaking maharot at isang babaeng brusko.
kahit na nag-eenjoy ako sa company nila ay kailangan kong tapusin yun. Paige also wants to stay dahil close na sila ni Steph kaya lang pareho kaming walang choice. nagtext na rin kasi si Zack at tinatanong kung pupunta kami.
"we're here" pahayag ni Nav ng matanawan namin ang Marian Hotel.
tinignan ko si Paige na busy pa sa pag-aayos ng mga regalo niya. mabuti nga at hindi na niya naalala yung red balloon na gustong gutso niya kanina.
" Paige let's go" sabi ko sa kanya.
lumabas na kami pero si Nav ay binuksan ang likuran para kunin si Paige. Inutusan ni Nav yung valet na ilabas ang wheelchair ni Paige. ako naman ay hawak ulit ang crutches ni Paige.
Nang maayos na ay pinagpasya na lang naming sa wheelchair na lang si Paige. Si Nav na rin ang nagtulak. Ang sasakyan niya ay pinapark na lang niya sa valet.
BINABASA MO ANG
UNBEARABLE Desire
Romance10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fell in love, I fell harder and I'm falling in love with the same person. It's happening over and over again. Kailan ba ko matututo? Akala ko...