MAREEN POV
Ang sakit ng sampal sakin ni Mie. Hindi ko alam kung anong nangyare pero aaminin ko nag-alala ako ng makita siyang umiiyak kanina.
"What happened to your face?" tanong ni Ian habang hinawakan pa ang mukha ko. iniikot niya ang mukha ko pakanan at pakaliwa.
"wala" simpleng sagot ko at lumayo sa kanya.
"anong wala eh namumula yan." turo niya sa kaliwang pisngi ko "sinong may gawa nan sayo?" tanong niya
"bakit gagantihan mo?" singhal ko sa kanya
"oo. wala siyang karapatang saktan ang mahal ko. ni lamok nga ayaw kong padapuin sayo tapos sasaktan ka lang. sinong may gawa nan?"
"tsss!" singhal ko "ang OA mo ah. may lamok-lamok ka pang nalalaman. Ang korni mo. at least ito physically hurt ako. ikaw ang tirada mo sakin emotional eh" sabi ko at tsaka siya iniwan.
naramdaman ko na lang na hinila niya ako paharap sa kanya
"i am serious Mareen. sinong may gawa niyan?" seryoso talaga niyang tanong.
napabuntong hininga naman ako "si Armie. okay na? ano gagantihan mo?" tanong ko
"si Mie. anong ginawa mo?"
"wow ha! ginawa ko? ako pa talaga?" turo ko sa sarili ko "wala akong ginagawa. hanep ka rin ah. ako na ngang nasaktan siya pa rin ang kakampihan mo. ayos ka talaga eh no?" sarkastik kong sabi.
"it's not like that baby" paglalambing niya
"wag mo nga akong ma-baby baby dyan"
nilayasan ko na naman siya. nakakainis kasi eh. porket may kasalanan ako kay Mie ay kasalanan ko na lagi?
"Baby" tawag niya sakin "uy Mareen ano ba kasing nang-yare. bakit kayo nag-away?"
hindi ko siya pinansin hanggang makalapit ako sa sasakyan ko.
"hatid na kita" sabi niya pero hindi ko pa rin pinansin.
"kakaayos lang natin mag-aaway na naman tayo?" tanong niya.
naiinis na hinarap ko siya. "yun nga kakaayos lang natin inaaway mo na naman ako"
"ako?" turo din niya sa sarili niya "nagtatanong lang ako"
"hindi ka nagtatanong. pinagbibintangan mo ako"
"hindi ganun yun." mahinahon niyang sabi. "tinatanong lang kita kung anong nangyare. bakit ka sinampal ni Mie?"
"hindi ko alam okay?" sagot ko.
"okay okay" sabi niya at niyakap ako.
kainis! alam ko hindi pa rin siya naniniwala. iniisip pa rin niya kasalanan ko.
"wala akong ginawa. umiiyak siya tapos sinundan ko lang para tanungin kung anong nangyare. tapos ayun sinampal niya ako tapos umalis na siya." sumbong ko "wala naman akong ginagawa eh. nakakainis ka kasi pinagbibintangan mo ko. sabi ko naman hindi na ko makikialam diba? nakakainis ka!" sabi ko at sinusuntok siya sa likod niya habang nakayakap sakin.
lumayo siya sa pagkakayakap sakin at tinitigan ako. pinaningkitan ko naman siya na mata at ng di ko na nakayanan ang titig niya ay inirapan ko siya.
"ang cute talaga ng baby ko" pambobola niya at sabay yakap na naman sakin.
bago pa ako makareact ay kumalas na siya at hinila ako paalis.
"hoy uuwe na ako" sabi ko
"kaya nga ako ng maghahatid sayo" sabi niya at binuksan ang sasakyan niyang nasa kabilang side lang nakapark.

BINABASA MO ANG
UNBEARABLE Desire
Romance10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fell in love, I fell harder and I'm falling in love with the same person. It's happening over and over again. Kailan ba ko matututo? Akala ko...