ARMIE POV
Nang umalis sina Ian at Mareen ay naging maingay ang paligid. May narinig pa nga akong sinabi ni Air na mukhang nagseselos daw si Mareen. katulad na katulad ng sinabi ni Navi.
nagselos nga talaga siya.
kahit naman ako ay magseselos dahil ilang araw pa lang mula ng mag break sila ay kami na. Kasalanan kasi to ng mga kaibigan ko eh. sila naman ang pumayag at hindi ako na sumama dito. Isama mo pa tong si Nav na parang wala lang sa kanya ang reaksyon ni Mareen.
naaawa tuloy ako sa kanya kahit na hindi dapat.
Narinig ko rin na binanggit ang pangalan nila Diane at Kate. Hindi ko maintindihan masyado ang pinag-uusapan dahil na rin sa ingay nila Kate at Diane. Hindi naging alintana sa dalawa na umalis na ang kinakantahan nila. basta patuloy lang sila sa pagkanta.
Kumanta pa sila ng isa bago ako tinawag ni Kate.
"give way to the other Perez" sigaw niya at itinuro pa ako.
agad akong umiling pero napaka-persistent niya.
"come on Mie. kumanta ka na" pag-uudyok niya
"yeah couz. you promise" gatol naman ni Diane.
"wala akong pinangako" sagot ko.
wala naman kasi talaga!
"sumayaw ka na lang Armie"
napabaling kay Air ang atensyon ko ng sabihin niya yun.
"oo nga no. ipakita mo ang pagiging halimaw mo sa dance floor Mie" pagsang-ayon naman ni Kate.
umiling naman ako.
duh? I'm pregnant tapos pasasayawin nila ako? ano ako hibang?
"sasabayan ka ni Nav" gatong naman ni Lloyd. "diba pre halimaw ka rin sa dance floor?"
tinignan ako ni Nav ng nakangiti. mukhang gusto niya ang ideya nila Air at Lloyd, lalo na at magkapareha kami sa pagsayaw. i actually like that too. matagal na nga ng huli akong sumaway at matagal na rin ng huli kong nakitang sumayaw si Nav. ang kaso ay iba na ang sitwasyon ngayon, buntis ako. Buti sana kung sayaw na slow dance ang gagawin namin. pwedeng-pwede pa yun kaso alam kong ibang sayaw ang tinutukoy ng mga kaibigan namin.
Mga tipong Dawn at Zeus ng PBB ang gusto ng mga yan! baka malaglag pa ang anak ko.
"what do you think baby?" he asked me.
umiling naman ako. Tumango naman siya at hinila ako papalapit sa kanya.
buti naman at hindi na niya ako pinilit pa.
"stop the PDA guys. Mie halika na dito. it's a song or a dance" sabi ni Kate.
pakiramdam ko ay wala akong magagawa sa kanya. makulit yan tapos ngayon buntis pa. edi mas doble ang pagiging makulit nan.
Hindi na ko nakatanggi ng tawagin ako ulit ni Kate para kumanta. Kainis naman kasi si Diane eh. ako pa talaga ang ginawang pain para lang kumanta siya kanina. If I know gusto naman niyang kumanta.
In my case, wala ako sa mood. gusto kong umupo lang dito at ipagpatuloy ang PDA namin ni Navi.
Hay! epekto na nga ata to ng pagbubuntis ko. ang pagiging moody at clingy ko.
ibinigay sakin ni Yuni ang song book at saka ako naghanap ng pwedeng kantahin. medyo naging tahimik ang paligid dahil na rin sa walang kumakanta.
Pati si Navi ay sumisilip silip din sa song book na binubuklat ko.

BINABASA MO ANG
UNBEARABLE Desire
Любовные романы10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fell in love, I fell harder and I'm falling in love with the same person. It's happening over and over again. Kailan ba ko matututo? Akala ko...