ARMIE POV
"Bakit hindi mo sinabi sakin ang totoo?" Galit na tanong niya sakin.
Nang umalis si prosecutor ay hindi na napigilan ni Navi ang galit at mga tanong niya sakin.
"sinubukan ko naman pero-" hindi ko alam ang sasabihin ko.
"sinubukan? edi sana alam ko diba kung sinubukan mo? limang taon Armie. Hindi mo alam ang pinagdaanan ko ng limang taong wala ka, tapos ngayon malalaman ko may anak tayong tinago mo at kasal pala tayo. ano bang tingin mo sakin ha Armie?" tanong niya
gusto kong maiyak dahil sa inaasta niya. never ko pang nakitang ganito kagalit si Nav sakin. Oo may times na naiirita siya sakin. minsan din nagseselos. magagalit din siya minsan pero hindi katulad ng ganitong nakikita ko.
"natakot lang ako baka kasi hindi mo kami matanggap"
"God Armie. are you even thinking? sa tingin mo ba ganung tao ako? I play with children. i make them well pero ang sarili kong anak ni hindi ko man lang naalagaan. bakit Mie? ano bang ginawa ko sayo para ganituhin mo ko?"
tuluyan na kong naluha sa lakas ng impak ng mga sinabi niya.
"Minahal kita at alam mong hanggang ngayon mahal na mahal kita pero ano bang ginagawa mo sakin? You make me loose myself whenever you choose to leave. Iniwan mo ko dati dahil ano? dahil nagsawa ka na sa kakasunod sakin. na ang pangako mo na hindi ka titigil hanggat hindi kita minamahal ay pangakong napako lang. Minahal kita noon Mie. nung sasabihin ko na ang tunay kong nararamdaman ay anong ginawa mo? umalis ka. diba umalis ka ng walang paalam at paliwanag? hinintay kita. akala ko nagtatampo ka lang. yun pala nagpunta ka ng ibang bansa. anong tingin mo sakin noon? i thought i was special Mie pero ni hindi ka man lang nagpaalam. nang panahong yun unti unti mo akong pinatay." namamaos ng sabi niya.
"hindi ko alam Nav"
"wala ka naman laging alam. gusto mo bang malaman kung anong nangyare sakin matapos mo akong iwan?"
nakikita ko na ang unti-unting pamumuo ng luha sa mga mata niya. I never seen him like this. Alam ko naman ang nangyare sa kanya eh. Sa kwento ni Air, sa sinabi ni Mareen, sa narinig ko kay Tita Scarlet alam na alam ko na.
Marame na akong alam Nav.
"I drink until i feel no more. Alam mo bang napabayaan ko ang med school dahil sayo? dahil sa kakaisip ko kung bakit iniwan mo ko. I failed my subjects during that semester. Imagined that? ang pinakapangarap ko noon na maging doctor ay napabayaan ko ng dahil broken hearted ako." natatawa pa niyang sabi.
"hindi ko alam-"
"syempre hindi mo alam dahil nga iniwan mo ko. you blocked me in your phone and you deactivated all your social media accounts paano mo nga naman malalaman diba?" sarkastik niyang tanong. "then one time nagising na lang ako nasa hospital na ko. you wanna know why?"
umiiling na ko sa mga sinasabi niya. pakiramdam ko hindi ko kakayanin ang mga malalaman ko pa.
"don't worry. i never tried to kill myself" he said.
hindi ko alam kung gagaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. ang inisip ko kasi kanina ay baka nga nag-attempt siya ng suicide kaya na-ospital siya.
Bumabalik pa rin sa isip ko ang sinabi ni tita na muntikan na siyang mawala.
"my body just gave up Mie. I almost give up" mahina niyang sabi. wala na ang galit na Navi kanina. kalmado na siya bigla habang sinasariwa ang sakit na dulot ng nakaraan.
BINABASA MO ANG
UNBEARABLE Desire
Romance10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fell in love, I fell harder and I'm falling in love with the same person. It's happening over and over again. Kailan ba ko matututo? Akala ko...