Chapter 16

5.3K 93 3
                                        

ARMIE POV

Nagulat ako ng makita si Navi na pumasok sa room kung saan ako nagpapacheck up. Hindi ko inasahan na magkikita kami sa ganitong pagkakataon.

Nalipat ang tingin ko kay doctora ng tinawag niya ang pangalan ni Nav. Nanginig ang kalamnan ko ng mapagtantong siya pala ang asawa ni Nav. Hindi ako mapakali, parang ano mang oras hihimatayin na ko sa natuklasan ko, kaya naman nagpaalam na ko at umalis.

Pagkalabas ko ay bigla na lang akong tumakbo palayo. Narinig ko pang tinawag ako nung Nurse pero di ko na pinansin.

Nakalabas ako ng hospital na litong-lito pa rin. Tinignan ko ang paligid at naghanap ng pwedeng mauupuan. Nakita ko ang plantbox sa gilid at doon ako naupo.

My Gosh! ano ba naman to! bakit ngayon pa? bakit sila pa?

Hindi mawala sa isip ko ang nangayre. Ang gulat sa mukha ni Navi ng makita ako. Napasapo ako ng ulo ng maalala ko si doctora.

Shit naman oh! kaya pala nung una niya kong nakita ay ang sungit na niya sakin. ang sarkastik pa ng pakikitungo niya. kaya pala ganun siya dahil kilala niya ko.

paulit-ulit kong tinampal ang noo ko kapag naalala yun. hindi ko kasi alam ang itsura ni Mareen. alam ko fiancee siya ni Nav noon pero hindi ako nagtangkang malaman ang itsura niya. sa lahat ng babae ni Nav, siya lang ang di ko inalam. ayokong mainsecure sa kanya at ayoko ring makita ang babaeng pinagpalit sakin ng lalaking mahal ko.

ako! ako ang tinutukoy niyang Armie Perez na naalala niya. ako yun! nakipagtawanan pa ko at nagbigay ng advise sa kanya tapos ako pala ang babaeng tinutukoy niya na nanakit sa kanya at sa taong mahal niya.

ibig sabihin ba nito nalaman niya ang nangyare sa Ilocos? Umamin si Nav? malamang hindi niya kayang magsinunagling sa taong mahal niya. ano nga bang nangyare sa limang taong wala akong balita sa kanya?

gusto ko ng mag evaporate. gusto ko ng mawala ngayon din. Hindi ko to gustong mangyare. bakit ganito? dalawang araw pa lang lalo ng nagiging maliit ang mundo namin. paano na lang kapag nasama pa sa picture si Paige?

halos maiyak na ko ng maalala ko na nagpacheck up ako sa asawa ni Nav. shet naman oh! isa pa yun sa problema ko. paano ang emergency pills? dapat makabili ako nun. kahit yung prescription ay hindi ko na nakuha sa pagkagulat ko.

wait lang Mie. mag-isip ka. isa-isa muna wag sabay sabay. may solusyon dyan. sabi ko sa sarili ko. huminga ako ng malalaim saka nag-isip. kailangang kalmado ako kundi wala akong solusyon na miisip.

isa isahin natin ang problema.

Una- Yung emergency pills. kailangan kong makabili nun kundi in 9 months may isang Paige na naman ako. kailangan kong maagapan to bago pa magbunga. bibili ako mamaya, kapag may pera na kong hawak. naman oh!

hindi sa ayaw kong magka-anak ulit. pero please lang kay Paige nga hirap na kong mag-explain about sa tatay niya tapos ito pa, may darating pa. 

that leads me to number two problem.

Pangalawa- Si Paige. Saan ako hahanap ng dee niya sa mismong araw na to? isa pa yan sa kinasasakit ng ulo ko. sa totoo lang ang dali ng solusyon sa pangalawang problema na ito lalo na nagkita na kami ni Nav. sasabihin ko lang naman na "Nav gusto kang makilala ng anak mo" pero hindi yun ganun kadali lalo na at may asawa na siya. malay ba natin kung may anak na pala sila.

Paano? anong dahilan ang sasabihin ko para hindi magtampo si Paige? sino ang gagawin kong die? wala naman akong mga kaibigang lalaki na close ko rito sa Pinas.

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon