Chapter 87

4.6K 63 3
                                    

ARMIE POV

Everyone is busy dahil na rin sa nalalapit na kasal nila Carlo at Raisa. Andito kami ngayon sa bahay nila para naman makatulong.

in 4 days ay magaganap na ang kasal nila at mukhang tanggap na iyon ni Carlo na wala namang pagtutol sa mga nagaganap.

marame na rin akong narinig na kwento tungkol sa kanilang dalawa at mukhang hindi naman totoo yun dahil mukhang okay at masaya sila.

magaganap ang wedding sa church malapit lang dito. nakausap na nila Tita Scarlet ang simbahan at naibigay naman na ang lahat ng requirements. Yung preparation nalang ang kulang.

after Navi's proposal, everything went good. Masaya kami. Sa dalawang araw na nakalipas ay masasabi kong sobrang saya ko. Okay na kami ni Navi. Nalampasan na namin ang isang malaking pagsubok sa relasyon namin. I know in the future makakaya ulit namin ang mga darating na problema.

Kahit na minsan sinasabi ni Navi na wala na sa lugar ang pagiging moody ko ay nasa tabi ko lang siya. Lalambingin niya ako hanggang sa patawarin ko siya.

Hindi pa kami lumipat sa bagong bahay namin dahil hindi pa naman ayos ang mga furnitures. Marame pang dapat ayusin.

I want to fix the house sa gusto ko. Ang dame ko ng plano so that we can call that house our home.

We spent Christmas yesterday on the house and laying all the things we need to do before we move in.

Ayaw ni Navi na ma-stress ako kaya kumuha ako ng interior designer. Si Rianne, bestfriend ng kapatid kong si Cands.

So far gusto ko ang mga ideya na sinasabi niya kahit sa phone lang kami nakapag-usap at thru email lang pagtingin ko sa portfolio niya. Nakabakasyon kasi ito sa Davao kaya naman hindi pa kami nakakapagmeet at hindi pa niya nakikita ang bahay ng personal.

Magaling siya gaya ng sinasabi ng kapatid ko dahil na rin nakumbinse na niya akong kunin ko siya bilang designer ng bahay namin. Magstart pa kami sa pagbili ng mga kailangan after ng christmas break. so maybe in January ay makakalipat na kami.

Our Wedding will be held next year, December. Gusto nga ni Navi na this coming January na ang kasal ang kaso ayaw ko. Ayokong ikasal na buntis, hindi ko pinangrap na ganun but he said he will think about it but I know i will win this time. ako ang masusunod sa bwan ng kasal namin. bibigyan ko naman siya ng chance na mamili ng date, basta sa December.

"Hi ate"

"oh! Claire" gulat na tawag ko ng makita siya. "anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"humingi sakin ng favor si Carlo para samahan si Raisa at tulungan dito sa wedding preparations. in short pinakiusapan niya ako para may kakampi si Raisa dito. alam mo na. napagtutulungan siya nila Tita Scarlet at Ate Mareen. Ang mga gusto kasi nila ang nasusunod. eh dahil nahihiya si Raisa ay oo lang siya ng oo. i am here para maging komportable siya at masabi ang gusto niya"

"i think kinokonsider naman ni Tita ang gusto ni Raisa." sabi ko

"hindi pa rin siya masyadong komportable. I can understand her naman. buti ka pa nga ate okay na okay sayo ang family nila eh"

"if you only knew" i whisper.

"ano yun ate?"

"nothing" ngiting sagot ko. kung noon masasabi kong okay na okay ako sa pamilya ni Nav. Ngyaon kasi kinukuha ko ulit ang loob nila, lalong lalo na ni Tita. "kailangan pa ba yan? apat na araw na lang kasal na nila. May mababago pa ba? i mean minadali na nga ang kasal tapos marame pang babaguhin. baka magahul sa oras."

"oo naman no. marame pang mababago sa apat na araw yun. yung mga gowns okay na yun. yung reception at church okay na. pero sa mga small details like flowers, arrangements, entertainments, speakers, catering, make up artist, photographer ay pwede pang ayusin. marame pa actually ang aayusin" paliwanag niya.

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon