Chapter 22

4.9K 89 16
                                        

A/N:

Mahirap palang magsulat ng ongoing stories dahil nalilimutan ko yung flow ng story at ibang name ng characters.

I tend to read back para lang magtugma. So guys sad to say pero may mga inedit ako sa mga previous chapters para tumugma sa mga susunod ko pang update.

Kung sakali mang may mabasa kayo na pagkakaalam niyo iba sa sinabi ko sa previous chapter, well inedit ko na yun.

Sinusubukan kong itugma lahat. May mga ideas kasing bigla na lang nagpa pop out sa utak ko na hindi tugma sa previous chapters kaya nababago ko. Pero minor lang naman yun. Ganun pa rin ang story.

Yung REBEL Desire kasi tapos ko na yung story na yun bago ko pa pinublish.

BTW this update is dedicated to @memeacero thank you for patiently reading this story.

~~ Erina ~~

-----------

ARMIE POV

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyare. Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya ngayon. iba talaga kapag tadhana na ang gumawa. hindi mo mapipigilan.

Kahit papaano ay may nagbago naman kay Nav simula ng huli ko siyang makita. sa pangangatawan at sa ugali niya ay kitang kita ko. naging madaldal siya or sa tingin ko lang dahil di ako sanay na hindi niya ko sinusupladuhan.

Kung di ko pa kasi nasabi napakasuplado ng lalaking yan sakin noon. Masyadong pabebe at sobrang arte. akala ko hindi na magbabago yun pero sa limang taong di ko siya nakita ay naging madaldal siya.

Ngayon, lumaki na rin ang katawan niya. halatang alagang alaga. siguro natuto na siyang mag gym ngayon. Dati pa rin naman siyang naggi-gym ang kaso madalang lang. katwiran niya walang oras. mukhang ngayon may time management na siya.

Napagsasabagay na niya lahat lahat. I mean may work siya, may family tapos nakakapag-exercise pa. Sabagay baka nga ibang exercise pa ang ginagawa nila ng asawa niya. May pagkamalandi pa naman ang lalaking yun.

Nagulat ako kanina ng ungkatin niya ang nangyare kagabi. Wala naman akong matandaan sa totoong nangyare pero alam kong narape ako ng hayop na pontio pilato na yun!

di ko inaasahan na itsitsismis pa ko ni doctora. I mean dapat confidential ang kaso ko. Dapat hindi niya yun sinasabi sa iba lalo na it doesn't concern Nav.

Nasaan ang professionalism niya kung pati ang ikinunsulta ko ay ipagkakalat niya?

Ano na lang iisipin ni Nav? Sa usapan pa lang namin kanina ay hindi ko maiwasang magalit dahil sa pag iintriga niya sa nangayre sakin kagabi. parang kinukutsya pa niya ang pakikipag-one night stand ko.

OMG! nakipag one night stand talaga ako? di ko matanggap.

Halata sa pakikipagusap sakin ni Nav na may alam siya sa nangyare kagabi. Courtesy of his wife of course. Buti na lang iniisp ni doctora na bf ko yun. Ayoko namang mabansagang kaladkarin na pumapatol sa one night stand.

Ano ba kasing nangyare kagabi?

Tapos si Nav pa! Kainis bakit nga ba ko concern sa iisipin niya sakin. Eh ano ngayon kung nakipagsex ako sa iba! Haler I'm old enough for that thing.

Yeah old enough to know safe sex diba? pero nagawa ko ba? nakipagsex ako kung kanino lang tapos hindi pa safe.

Napasabunot ako ng buhok ng maalala ko na naman na nakipagsex ako sa lalaking di ko kilala at ngayon ay hindi ko mahanap kung nasaan ang binili ko kanina sa mercury.

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon