Chapter 39

4.9K 75 8
                                    

ARMIE POV

Andito ako ngayon sa may garden kasama ang mga bestfriends ko.

"ano na?" usisa ni Diane. "andito na tayo kina Mie simulan niyo na ang kwento kung anong nangyare kanina" dagdag pa niya.

Napagpasyahan kasi nina Cass at Kate na ikwento ang nangyare sa check up kapag kasama ako. Ayaw niyang bigyan ng idea itong pinsan ko sa mga ganap sa clinic kanina.

Andito sila sa bahay para sa emergency meeting at nagtake out pa ng KFC.

"sandali at antayin natin yung pagkain" sabi naman ni Kate. ipinaayos ko kasi kina Manang yung pagkain. sinabi ko rin na magdala ng juice. ayoko kasi ng soft drinks ngayon.

"wow ha ano to parang movie lang kailangan may pagkain muna?" reklamo ni Diane. 

kanina pa kasi atat na atat to sa kwento. kahit ako gusto ko ng malaman kung ano nga ang resulta ng check up nila at ng plano nila.

"Kate sa tingin mo ba dapat gawin na natin yung test?" tanong ni Cass

"yeah lalo ka na. kahit naiinis ako sa kanya she seems good at what she's doing" sagot naman nito.

"ganun din ang tingin ko tapos may follow up check up pa tayo bukas. babalik pa ba tayo?" tanong na naman niya.

"ikaw siguro pwede pa. eh muhang irerefer na niya ko sa psychiarist kanina nung tinanong ko kung buntis siya" nakangiti pang sagot ni Kate.

Okay hindi ko magets ang pinag-uusapan nila at ganun din ang pinsan ko. mukhang may sariling mundo ang dalawang to.

"ikaw naman kasi walang preno ang bibig mo" nakasimangot na sabi ni Cass.

"baka makalimutan natin ang agenda natin dun. besides ang hirap naman isingit yun sa usapan dahil mukhang tikom ang bibig niya" sagot naman niya.

kami ni Diane ay palipat-lipat na sa kanila ang paningin.

"hoy ano ba yang pinag-uusapan niyo? baka nakakalimutan niyo na andito kami ni Mie. kayo lang nag-uusap dyan ah." reklamo ni Diane ng di na siya makatiis. napangiti na lang ako sa kanya.

"ui andyan na pala yun food" sabi ni Kate ng mapansin sila manang at Linda na papalapit samin na may dala-dalang tray. inihanda ni manang ang tinake out nila Diane kaya tuwang tuwa lalo si Kate. gutom na ata siya.

Umayos naman kami ng pwesto at tsaka nagkanya kanyang kuha ng chicken ng umalis na si manang. nagsimula na kaming kumain pero ang dalawa ay wala talagang balak magsimula ng kwento.

"ano na kasi yung kwento?" inis ng tanong ni Diane habang kumakain ng fries.

"start from the beginning kung ayaw niyong paalisin ko kayo dito." sabi ko naman. 

kahit ako ay naiinip na. nakalahati na kasi namin ang pagkain wala pang nasisimulan. kaloka!

"ang harsh naman best" reklamo ni Cass sakin.

"dali na at baka mamaya magising na si Paige. wala na kong oras para niyan makinig dyan sa mga kwento niyo" sabi ko sa kanila.

"ay grabe di na makapag-antay"

"ano na buntis o hindi?" tanong ko.

"akala ko ba from the start ang kwento?" tanong niya.

"eh sa dami ng pasikot sikot niyo nagtatagal tayo. yun na lang ang sabihin niyo"

"tss! anong thrill dun?" singit naman ni Kate.

"wala ng thrill dun kapag nasabi na agad-agad" dagdag naman ni Cass.

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon