Chapter 43

4.1K 68 6
                                        

NAVI POV

kanina pa aligaga si Mareen. pinipigilan ko lang matawa sa lagay niya dahil baka magalit lang siya.

" you know what baby? Try to chill" seryosong sabi ni Ian na nasa tabi ko.

"Baka kasi mamaya may kulang or mali" sagot naman ni Mareen.

"Hindi mo naman trabaho yun. What you need to do is relax and leave it to me and Nav"

"Yun nga ang problema baka anu-ano pang sabihin niyo sa interview"

"It's all medical right? Ano bang problema Reen?" Tanong ko na rin. hindi na kasi maipinta ang mukha niya sa pag-aalala.

"Yes it is. kaya lang hindi natin alam ang nasa utak ng mga yun. baka mamaya may isingit silang mga personal na tanong"

"Edi scan the questions para sure ka. Hindi naman to live eh" i suggested.

"Yep hindi nga pero alam mong pwede pa rin silang magtanong ng out of nowhere na questions. then what? Both of you will caught off guard at baka ano pa ang masabi niyo?"

"Hey baby. Pang-ilang interview na ba natin to? Pangatlo na diba? Bakit ba kinakabahan ka?" tanong sa kanya ni Ian. 

oo nga naman mangatlo na to eh at tsaka hindi naman siya ang iinterviewhin.

"Yung first interview tayong lahat except Nav. The second ay kayong tatlo maliban samin ni Nav. This is third for you but first for Nav. syempre unang sabak pa lang ni Nav to" paliwanag niya

"Kung ako ang inaalala mo Mareen, don't okay? Kaya ko ang sarili ko" sabi ko sa kanya.

"Yep! bakit ba lagi mong itinuturing na bata si Nav?" Tanong naman ni Ian.

"Hindi sa ganun-"

"Pero ganun ang tingin namin" pagputol ni Ian sa sasabihin niya.

"Okay fine. Basta Ian ikaw ng bahala kay Nav. And please don't joke around like the last time" babala ni Reen na kinangisi lang ni Ian.

Last time kasi naungkat ang buhay pamilya nila Air at Lloyd. Natanong si Ian about settling down, ayun sinabi niyang nagdedate sila ni Mareen. hindi naman makareact si Mareen nun dahil wala nga kami noon. late na namin nalaman ang nangyare sa interview. nagalit noon si Mareen pero sandali lang naman. wala na rin naman kasi siyang magagawa eh.

Baka ngayon itatanong na nila kung kelan ang kasal nilang dalawa at sa ugali ni Ian baka magpropose na lang ito bigla sa harap ng media.

Kinakabahan din naman ako dahil first time ko sa interview na ito. Ayaw ko kasi talagang humarap sa media. Ang dame na kasing issue involving me in the past years at ayokong sagutin pa ang mga iyon kung sakaling maungkat man.

ang napili ng magazine ay katulad namin ni Ian na bachelor doctors. if Mie married me before this edi sana hindi ako nahihirapan ngayon.

"Okay ka lang pre?" Tanong sakin ni Ian.

Ready na kami ni Ian kanina pa. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan pa naming mag make up, lalo tuloy naging gwapo ang paningin nila sakin.

I hope Mie can see me now.

"Medyo kinakabahan lang. Paano kapag may inungkat sila about sa past ko?" tanong ko sa kanya

"Kaya mo naman ng sagutin yun diba?" tanong niya rin

"If i can answer the truth bakit hindi?"

"You can say close to the truth" payo niya.

"Yeah" tipid kong sagot.

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon