NAVI POV
Susundan ko sana si Mareen ng umalis siya kaya lang biglang tumawag sakin ang driver sa bahay. Nasa labas na daw ang sasakyan ko.
Ano kayang nangyare kay Mareen?
Tatawagan ko sana siya ng maalala kong wala pala sakin ang phone ko.
Bumalik ako sa kwarto ni Raisa. Hindi pa ako nakakalapit ay rinig ko na ang lakas ng boses ni Carlo. Mukhang sinisigawan niya si Raisa.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng marinig ko rin ang sigaw ni Raisa.
Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi dahil nag-aaway sila. Kaso naalala ko na pasyente nga pala si Raisa at itong kapatid ko ay mukhang nakalimutan yun at inaaway pa ito.
Saktong pagpasok ko ay siyang pagtama ng unan sa mukha ko.
Nagulat ako at hindi alam ang sasabihin.
"Hala! Sorry! Sorry po kuya" rinig kong pagpapaumanhin ni Raisa.
Tinignan ko siya at napabuntong hininga na lang. Hindi pa nga mag-asawa grabe na kung mag-away ang dalawang ito.
"Bakit ka kasi umiwas?" inis niyang tanong kay Carlo
"Tinatanong pa ba yan? Tumigil ka na nga!" sagot naman ni Carlo
"Talaga! At aalis na ako" sabi niya.
Akmang bubunutin na niya ang swero niya ng lumapit ako.
"Wag"awat ko.
Napahinto naman siya at tinignan ako.
"Carlo umuwe ka na. Hayaan mo na lang muna si Raisa dito." Sabi ko.
tumingin ako kay Raisa "dito ka lang. under observation ka pa. Makakasama sa bata." sabi ko sa kanya. "Mukhang hindi maganda ang pag-uusap niyo but please keep in mine na bawal kang ma-stress."
Bumaling ako sa kapatid ko "Carlo go home. Ang mga nurses na ang bahala kay Raisa. Baka lalo lang siyang mastress kapag andito ka"
"Siya pa? Eh siya nga itong nanggugulo satin"
"Kuya okay na po ako. Aalis na lang po ako. Nakausap ko na si doctora. Okay naman na po kami. Kailangan ko din pumasok sa bar mamaya-"
"NO!" Matigas na sabay naming sabi sa kanya ni Carlo.
"Anong magtatrabaho sa bar? Buntis ka na nga. Makikipaglandian ka-shit!" Reklamo ng kapatid ko nang tamaan na siya ng unan na hinagis ni Raisa.
"Bakit ka pa nakikipagtalo? Hindi bat ayaw mong akuin ang resposibilidad? Saan ako kukuha ng pero para sa kailangan namin ng anak ko kung hindi ako magtatrabaho?" sigaw niya rito.
"Marameng namang ibang trabaho dyan. Hindi mo ba naiisip ang usok na makukuha mo sa bar na yun? Ang alak na pinapainom sayo ng mga tinetable mo."
Nakita ko ang pagkuyom ng kamay ni Raisa.
"mas makakasama sa bata ang gusto mo!" sigaw ng kapatid ko.
"Carlo umalis ka na muna" awat ko sa kanya. kapag hindi siya umalis mas lalo lang sasama ang loob Raisa.
"No kuya baka mamaya kapag umalis ako saan pa siya magpunta. lagot na naman ako kay mommy. Mafefreeze ang account ko."
"Tsss" singhal ni Raisa.
Ang gago lang nito! yung bank account pa ang iniisip niya kesa sa mag-ina niya.
"May mga nurses dito. Mababantayan siya. Sasabihan ko rin ang buong hospital para bantayan siya kung yun ang inaalala mo" sabi ko "but I know Raisa won't leave. Right?" Tanong ko sa babaeng nakaupo sa kama.
BINABASA MO ANG
UNBEARABLE Desire
Romance10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fell in love, I fell harder and I'm falling in love with the same person. It's happening over and over again. Kailan ba ko matututo? Akala ko...