Chapter 67

3.4K 53 4
                                        

ARMIE POV

Nagmadaling umalis si Diane ng tawagan siya ng mother in law niya at ganun din ang ginawa ko.

I'm on my way to EWGH dahil hindi sinasagot ni Mareen ang tawag ko.

Ang babaeng yun talaga! 

Muntik ng atakihin sa puso ang tatay ni Paul ng may dumating na reklamo tungkol sa kanya. At ito nga ay tungkol sa kasal namin ni Nav.

Shit talaga ang babaeng yun. Hindi man lang inisip ang kalagayan nung matanda.

To: Mareen

Masaya ka na ba? You almost put an old man in the hospital.

I sent that message before I drive myself to the hospital because she's not answering my calls.

Pagkarating ko sa hospital ay agad kong pinuntahan ang clinic niya.

"Mam umalis na po si Doc. May emergency surgery po siya pero hindi na po yata babalik dito" sagot sakin ng nurse niya ng mapag alaman kong wala siya.

Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero wala pa rin akong nakukuhang sagot.

"Sige thank you" ngiting sagot ko.

Sunod kong pinuntahan ang Operation room nila. Nagtanong din ako pero katatapos lang daw ng operation niya.

Bumalik ako ng reception para magtanong kung nasaan si Mareen. Tinawagan nila sa suite room niya pero walang sumasagot. Sa phone niya rin ay wala. 

Ano ba namang doctor ito? Ang phone ang mahalagang bagay na dapat lagi nilang dala dahil sa emergency call na madalas galing sa hospital. pero itong si Mareen hindi ata dala ang phone. hindi pa mahagilap. 

"Gusto niyo pong ipa-page natin siya?" tanong sakin ng receptionist.

"Wag na." Iling kong sagot.

Umalis ako sa reception at inisip ang susunod kong gagawin.

Napaupo ako sa waiting area at inisip kung ano ang dapat kong gawin. Gusto kong maiyak sa dame ng problemang kinakaharap ko ngayon.

Bakit kailangan magkaganito? Bakit kailangang madamay ang iba? 

Ang gulo gulo na ng buhay ko. Hindi ko inasahan na magiging ganito kakomplikado ang lahat.

Nakita kong dumaan si Ian. Hindi niya ako napansin kaya sinundan ko siya. Alam niya ang sekreto ko at baka matulungan niya ako sa problema ko.

Ngunit sa sobrang bilis ng lakad nito ay nawala siya sa paningin ko.

Ang bilis naman nun.

Tumingin ako sa paligid at mukhang palabas na ito ng hospital. Lumabas ako at bumungad sakin ang maliit na garden ng hospital.

Meron palang ganito rito.

Nilibot ko ang paningin ko at imbis na si Ian ang mahagip ng mata ko ay sina Mareen at Navi ito.

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon