IAN POV
Andito ako ngayon sa bahay ng babaeng mahal ko at inaantay ko siya sa may sala dahil sabay kaming papasok ng hospital.
"kuya alis na ko" paalam ni Matthew, ang bunso ng pamilya.
"sige bro ingat." sabi ko naman.
kilalang kilala na ko dito dahil matagal tagal na rin akong naglalabas pasok sa pamamahay nila. nag-aaral palang kami sa college bisita na ko rito.
"iho andito ka pala. sumabay ka na saming mag-breakfast" napukaw ang attensyon ko sa TV ng marinig ang boses na iyon.
"Good morning po Tita. nagbreakfast na po ako bago ako nagpunta rito. inaantay ko lang po si Mareen" nakangiting sagot ko.
"pababa na rin yun. magbi-breakfast din yun kaya kumain ka na lang ulit." sabi ni Tita.
"sige po" sabi ko na lang at sinundan siya hanggang dining. okay lang din naman kung kumain ako ulit. hindi ko naman ikatataba yun.
ready na ang pagkain sa lamesa ng makarating kami. Pagkaupo namin ay dumating na din ang padre de pamilya.
"good morning Tito" bati ko.
"good morning" tipid na sagot niya.
"anong ginagawa mo rito?"
"ah ano po. susunduin ko po si Mareen." malumanay kong sagot.
medyo mahigpit itong Daddy ni Mareen. over protective sa mga anak kaya nga wala pa rin maski isa sa mga anak niya ang nakakapag-asawa. Pero si Maui ay alam ko may boyfriend na. hindi ko lang sigurado kung naipakilala na sa pamilya niya.
"Ian iho kumusta ang relasyon niyo ng anak ko?" tanong ni Tita.
napabuntong hininga naman ako. "gaya pa rin po ng dati" pakipot pa rin siya. gusto kong idugtong.
"pasensya ka na sa anak kong iyon kung pinapahirapan ka" pagpapaumanhin ni Tita.
"dapat lang yun. mahirap ng magtiwala sa mga lalaki ngayon. akala mo matino pero lolokohin ka rin pala sa huli" matulis na pagkakasabi ni Tito.
Alam ko namang si Navi ang tinutukoy niya. tatlong taon na sila ni Mareen noon at ikakasal na dapat pero itong gago kong kaibigan mahal pa rin pala si Armie na dating manliligaw niya kaya nagkagulo.
imbis na masaya silang tatlo. tatlo silang nasaktan. Isang nagpaubaya, Isang nagluluksa at isang naghihintay.
Ayoko man sabihin pero isa ako sa nakikinabang sa mga nangyare. kung hindi narealize ni Nav ang totoong nararamdaman niya para sa dalawang babaeng minamahal niya hindi ko makukuha si Mareen ngayon.
inaangkin ko na siya kahit pa hindi niya pa ko sinasagot. wala na kong balak pang pakawalan siya o masulot pa siya ng iba. nag-aaral pa lamang kami sa medschool ay gusto ko na siya, kaya lang si Navi ang minahal niya. hinayaan ko na lang sila tutal babae lang yun. mas mahalaga ang friendship kesa sa babae besides I can get all the girls that I want. Lalo na ngayon isa na kong Doctor at Bachelor pa.
pero nung nakita kong nasaktan si Mareen, hinaplos ang puso ko. naging goal ko noon ang patawanin siya or to be exact ang pikunin siya kaya nga hindi siya makapaniwala ng sinabi kong mahal ko siya.
dalawang taon na rin akong nanliligaw kay Mareen. ang tagal na ano? pero ito pa rin ako nag-aantay.
nasa edad trenta na kami pero ang pagpapakasal ay wala pa ata sa bokabolaryo niya. kaya ko namang mag-intay pero hanggang taon na lang na ito. makukuha ko siya sa ayaw at sa gusto niya.
Ngayon lang ako nagpursiging makakuha ng babae at di ako papayag na hindi bibigay sakin si Mareen.
Alam kong takot lang siyang masaktan ulit kaya ganyan siya. I can read her. I can analyze her. kaya nga ako naging Psychiatrist para malaman ang kilos niya. minsan kasi ang kinikilos ay hindi tumutugma sa sinasabi. si Mareen ang subject na di ko pagsasawaan kaya naman kinakabisa ko na ang behavior niya.

BINABASA MO ANG
UNBEARABLE Desire
Romansa10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fell in love, I fell harder and I'm falling in love with the same person. It's happening over and over again. Kailan ba ko matututo? Akala ko...