ARMIE POV
bakas ang pag-aalinlangan ni Claire ng makita niya ako. Ang itsura naman ni Kuya Mark ay hindi rin maipinta. mukhang galit ito. ganyan din kasi ang itsura ni Navi kapag galit.
ano kayang nangyare sa pag-uusap nila?
maganda naman itong si Claire. girlfriend ba siya ni Kuya? pero bakit sabi niya secretary siya?
"sorry Armie" pagpapaumanhin niya.
Ngumiti naman ako. Gusto ko ng umalis ang kaso nasabi ko kay Kuya na aantayin ko siya.
Hindi ko na siya kailangan makausap. Nalaman ko na ang totoo kay Zack ng makausap ko siya.
"Kuha ko lang kayo ng maiinom" sabi niya at umalis na.
Naglakad naman si Kuya at umupo sa tabi ko.
"Anong nangyare?" Tanong ko
"Okay na." Sabi niya at pumikit. Sumandal pa siya sa sofa kaya naman napatingin ako.
"Hmmmp" hindi ko alam ang sasabihin. Nacucurious din kasi ako kung sino ba si Claire.
"Girlfriend mo ba si Claire?" Tanong ko
Nagmulat siya ng mata at tumingin sakin.
"Hindi" simpleng sagot niya at inayos ang upo. "Bakit ka ba andito? Sabi ni Claire hinahanap mo daw ang dating nakatira dito? Akala ko magkasama kayo ni Navi?" Tanong niya.
"Yeah. Nagwowork dito yung kaibigan ko. Si Zack. Dinaanan ko lang dahil may ipapabigay ako sa asawa niya" pagdadahilan ko. "Umakyat lang ako dito para i-check. Hindi ko alam na ikaw na ang nakatira dito" pagsisinungaling ko. "at may kasama pang babae"
napabuntong hininga naman siya.
"nagulat lang ako na si Claire ang madadatnan ko dito"
"you think Navi is cheating on you?"
hindi naman ako sumagot.
"Ayoko sa bahay. Ang ingay ni Carlo. Naging magulo pa dahil lagi silang nag-aaway ni Mommy dahil kay Raisa." Sabi niya. "I planned to buy a condo for myself ang kaso ibinigay nalang ni Navi ito sakin kasi hindi naman na niya magagamit dahil sa greenview na kayo nakatira. This bachelor pad won't be good for your family" sabi niya.
Nagtatangis ang bagang ko at tsaka napapakuyom ng kamay. ngayong alam ko na ang totoo ay hindi siya matanggap ng isip ko.
"Matagal na ba dito si Navi?" Tanong ko.
Sinabi na ni Zack sakin ng tawagan ko siya na si Navi ang may ari ng unit na ito at ang akala niya siya ang ipinunta ko ngayon dito. sinabi din niya na ilang araw na rin niyang hindi nakikita si Navi dito.
Ang gulat ko kanina ay napalitan ng pagkainis ngayon. how dare him!
"Matagal na siyang nakatira dito. Since he graduated from medschool" sagot ni kuya.
"Talaga?" Nakangiting sagot ko pero sa loob loob ko gustong gusto ko ng sumigaw.
Wala na akong masabi pa. Ang totoo niyan gusto ko mapag-isa dahil sa nalaman ko.
"Wala namang ibang tumutuloy dito?" Tanong ko. pwede naman hindi si Navi yun. pwedeng iba din.
Ngumiti naman siya. Madalang ko lang siya makitang ngumiti. " iniisip mo talaga kung may babae siyang dinadala dito? As far as i know wala, maliban kay Mareen. Pero matagal na rin yun. Matagal na rin silang hiwalay. But your marriage with him-"
Napatingin ako sa kanya. Ano nga ba ang alam ng pamilya niya dun?
"Ano bang sabi ni Navi sa inyo kuya?" Tanong ko
BINABASA MO ANG
UNBEARABLE Desire
Romance10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fell in love, I fell harder and I'm falling in love with the same person. It's happening over and over again. Kailan ba ko matututo? Akala ko...