MAREEN POV
Inis na inis ako. Bwisit na lalaking yun. Iniwan talaga niya ako. Buti na lang at nasa ospital na kami.
Playboy talaga siya. College palang ganyan na siya. Kaliwa't kanan ang mga babae niya. Siya ang pinakamalala sa kanilang magkakaibigan.
Nasa medschool palang kami lagi na niya kong iniinis sa mga patutchada niya. Mabait naman akong tao pero pagdating sa kanya mabilis akong mairita. Sa kilos niya, sa mukha niya at lalong lalo na sa ngisi niya.
Naging matino at medyo mabait lang siya sakin nung naging kami ni Navi. Nevertheless he's always getting into my nerves! Lalo ngayong naglalakad ako papasok ng hospital.
"Good morning doc" bati sakin ni manong guard pero wala ako sa mood.
Peste yun! May darling darling pa siyang katawagan ang landi landi talaga.
Nang makita ko siyang papasok na ng hospital ay naghagdan na lang ako. wala akong paki kung masakit pa rin ang mga binti ko. Makasabay ko pa siya sa elevator ay mas lalo lang akong maiinis.
He's courting me for two years now. Ewan ko dun feeling ko inaasar lang niya ko o naawa siya sa ginawa ng kaibigan niya sakin kaya nililigawan niya ko.
I love Nav. Mahal ko pa rin nga ata siya hanggang ngayon. Di ko alam basta I still care for him kahit na sobrang sakit ng ginawa niya sakin noon. Binigay ko sa kanya ang lahat lahat. Sa kanya umikot ang mundo ko kaya nung iniwan niya ko hindi ko kinaya.
Pareho kaming nasasaktan noon. Doble pa nga sa kanya dahil nasasaktan niya ko at nasasaktan siya sa pag-alis ni Armie.
Grabeng babae yun. Di ko maiwasang mainis sa kanya. Sabi ko nga Mabait akong tao pero sa utak ko ang dami ng di magandang pumapasok na gagawin at sasabihin ko sa kanya kapag nagkaharap kami.
The first time I met her tuwang tuwa ako sa kanya. Sinagot sagot niya kasi ang bratinella naming classmate noon. Ang cool niya para sakin. Hinahanap niya si Navi noon at ang saya saya pa ng aura niya. Kaya hindi na ko magtataka kung bakit nainlove si Nav sa kanya. Yun nga lang iniwan siya nito.
Nang mangyare yun, nawala ang Navi na crush ko noon. Napalitan ng ibang tao. Pakiramdam ko noon kailangan ko siyang tulungan sa pinagdadaanan niya Kahit bilang kaibigan lang.
Kahit hindi niya ko pinapansin sa tuwing nasa bahay nila ako ay okay lang. Inaasikaso naman ako ng pamilya niya.
Pumupunta ako sa kanila para bigyan siya ng notes sa klaseng namiss niya dahil sa hindi pagpasok. Matalino si Nav, isa iyon sa katangiang nagustuhan ko sa kanya. Kaso napabayaan niya ang pag aaral niya ng dahil nagmahal siya at di niya kayang ihandle ang sakit ng pang iiwan nito.
Nung hindi na siya maintindihan ng lahat ay nasa tabi lang niya ko. Hanggang sa yung crush ko sa kanya naging love na. He's at his worst and I still fell for him. Siguro yung pagmamahal niya kay Armie ang nagustuhan ko and I want to protect him and be loved by him the way he love Armie. kaya nung umamin ako ng nararamdaman ko sa kanya and he accepted it, Ginawa ko ang lahat para mahalin niya ko.
I tried to be the perfect girlfriend. I loved him so much at sobrang saya ko ng sinabi niyang mahal na rin niya ko.
We've been together for more than 3 years. Ikakasal na nga dapat kami eh until he called the wedding off because he cheated on me.
He went on a vacation with Armie. Alam ko yun. Ramdam ko eh. I heard him called her name on the phone habang kausap ko siya noon. Nagulat ako pero ayokong magduda. Alam kong nasa Dubai si Armie. Baka kapangalan lang. I gave reasons for that thing. ayoko ko kasing magpadala sa nararamdamdam ko. akala ko ibang tao Pero nagkamali ako.

BINABASA MO ANG
UNBEARABLE Desire
Romansa10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fell in love, I fell harder and I'm falling in love with the same person. It's happening over and over again. Kailan ba ko matututo? Akala ko...