ARMIE POV
Puno ng kaba ng dibdib ko pagkagising ko. Pakiramdam ko hindi ako nakatulog. Hindi nga naman talaga. Buong magdamag kong inisip ang lahat lahat ng nangyare samin ni Nav in 10 years.
Kahit tuloy kababangon ko lang ay pagod na pagod na ang pakiramdam ko. Isama mo pa na ngayon makikita ko ulit si Nav.
Hindi ko siya magawang kumustahin man lang dahil hindi ko alam ang tamang sasabihin. Nangungumusta lang ako kina Air at ang sabi nila ay okay naman na siya.
"Mee i'm ready!" Sigaw ni Paige na handang handa na. Suot pa niya ang magada niyang damet. Naniwala talaga siya sa sinabi ni Air na dapat magmukha siyang princess.
Maaga nga itong nagising para magpaayos kay Linda. Pati pagpili ng susuutin ay gusto niya siya ang gumawa.
Para siyang aatend sa party sa suot niya.
"Saan ang lakad mo bebe girl?" Pang aasar ko sa kanya "kaninong birthday ka pupunta?"
"Tomorrow is my birthday mee. We're going to visit dee today remember? I miss him already. He needs to wake up. Tito Air told me to look like a princess" masayang anunsyo niya.
"Bebe may exercise ka ngayon." Paalala ko
Nakita ko ang pag nguso niya.
"Last na to. Punta tayo before you visit dee" i said.
"Mee naman si dee muna bago yun" Reklamo niya.
Wala siyang pasok ngayon kaya naman maaga ang schedule niya for PT. Ang balak nga namin ni Nav ay mamayang hapon magbyahe para sa birthday celebration niya sa Subic bukas.
Sa mga nangyare ngayon malabo na ang birthday party na gustong mangyare ni Navi para kay Paige.
"Mee let's go" pag-pupumilit niya.
Katatapos ko lang magbihis at ganun din siya. Pero hindi pa ako handa!
Ang sabi sakin ni Air kagabi ay nasabi na niya sa lahat ang totoo tungkol kay Paige at sa mga napagusapan namin. gaya nga din ng sinabi niya, Hindi siya magsasalita about our marriage and my unborn child until Navi will ask.
Dahil marame na ang nakakaalam sa lihim ko ay mas umiikli na rin ang panahon para sa pagtatapat ko kay Navi ng totoo.
"Magbreak fast muna tayo Paige bago pumunta dun. Bibili din tayo ng fruits for your dad"
"Okay" masayang pagsang ayon niya sabay labas ng kwarto. Rinig ko pa ang mabilis niyang pagbaba ng hagdan.
Napatingin ako sa phone ko. No calls or text from Navi. Gising na siya at hindi niya ako hinanap. Ang sabi naman ni Air ay okay lang siya. CT scan is clear at wala siyang amnesia.
Galit kaya siya sa akin?
Bakit ko pa ba itatanong yun? Malamang oo. I demand a break up with him and then naaksidente siya because of me. All his plans,our plan, have been delayed because of this.
Kapag dating kay Navi ay kinatatakot ko ang makita siya. Kahapon ayaw kong makita siya dahil sa takot sa posibleng kinahantungan ng aksidente. Even now i am afraid to face him after all the revelations that happened last night.
Will I be able to tell him everything? Sa kalagayan niya ngayon kaya ko ba?
Air told me in 2 days or more ooperahan siya sa paa. It depends on his condition. Ang Emotional stress ang nakakatakot sa lahat, sabayan mo pa ng mga variables like his present condition. Baka magbreak down na siya kapag nag-trigger pa ako ng ikasasama ng loob niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/49405578-288-k865200.jpg)
BINABASA MO ANG
UNBEARABLE Desire
Romance10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fell in love, I fell harder and I'm falling in love with the same person. It's happening over and over again. Kailan ba ko matututo? Akala ko...