NAVI POV
Today is Paige birthday and i am excited. Ang paghahanda nila ay mukhang nasobrahan. hindi ko naman napigilan sila mommy at Mareen sa pag-aasikaso nito.
Ang mga staffs sa hospital ay tumulong na rin. Alam na siguro nila ang relasyon ko sa mag-ina. Wala naman akong matatago sa hospital na to at maganda na rin na malaman nila para na rin matapos na kaagad ang usap-usapan patungkol sa amin.
Kinausap ako ng mag-asawang Samonte at sinabi nila ang plano na sana ay tulungan ko sila.
Damn that Paul Samonte! talagang ididiin pa niya si Armie para lang ma-save ang asawa niya.
i know Armie is 70% at fault pero may kasalanan din siya. he's a lawyer and he should have known the law. mali na nga ang gusto ni Mie, ginatungan pa niya.
I am angry to them. too much i can't bear to see their faces. kahit ano kasing rason ang sabihin nila hindi siya matanggap ng sistema ko.
in the end i agreed, that's the only thing i can do to save my family. pero hindi ko palalampasin ang mga to.
someone. should pay for all of these.
Habang tinitignan ko si Paige ay hindi ko maiwasang manghinayang sa limang taong magkasama sana kami.
"dee" tawag niya sakin at kumaway pa.
she really looks like her mother kaya naman hindi ko naisip na anak ko siya. kaya pala magaan ang loob ko sa kanya noong una ko siyang makilala ay dahil sa lukso ng dugo at hindi dahil kamukha siya ng taong mahal ko.
"dee"
nagulat na lang ako ng may mga kamay na sumakop sa magkabilang pisngi ko. iniaangat ko ang tingin ko at ang nakangiting mukha ng anak ko ang bumungad sakin.
"are you okay?" tanong niya
"of course sweetheart" sagot ko at niyakap siya.
"dee what's wrong?" tanong niya pero mas hinigpitan ko lang ang yakap ko.
"dee i can't breathe" we wiggled out.
humiwalay ako sa kanya at siya naman ay nakatitig sakin.
"okay ka na ba dee? ang strong mo na ah" sabi niya. ngumiti naman ako at niyakap ulit siya.
nakatingin din samin ang pamilya ko. nginitian ko lang din naman sila at sinenyasan na lumabas muna.
nakuha naman nila lahat maliban kay Carlo na nagrereklamo na naman.
humiwalay naman sa yakap ko si Paige ng humigpit ang yakap ko.
"nag-away ba kayo ni mee ha dee?" tanong niya.
ngumiti lang ako bilang sagot.
"hays ganyan din si mee."sabi niya
"what do you mean?" i asked.
"ganyan din. bigla na lang akong yayakapin hanggang hindi na ko makahinga tapos kapag tatanungin ko kung may problem sasabihin wala or ngingiti lang. nag-away kayo ano?"
"wala sweetheart. pagod lang kami pareho ni Mie"
Sanay pa rin ako na kausap si Paige na Mie ang tawag sa mommy niya. isa talaga yan sa bagay na hindi ko nagets nung una. bakit ba kasi mee pa ang tawag niya sa mommy niya. why not mom or mama. kaya tuloy hindi ko agad nakuha ang mee at dee niya. hindi ko naisip na maari pala yun.
at bakit din kasi mama ang tawag niya kay tita Mabel?
Yung tawag talaga ng anak ko ang nakakapagpagulo ng lahat. kung nung umpisa pa lang ay daddy na ang tawag niya sakin at mommy kay Mie. edi sana matagal ko ng nahulaan ang totoo.
BINABASA MO ANG
UNBEARABLE Desire
Romantizm10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fell in love, I fell harder and I'm falling in love with the same person. It's happening over and over again. Kailan ba ko matututo? Akala ko...