ARMIE POV
Napagpasyahan ng barkada na sa amin na lang magkikita kita para sabay-sabay ang punta namin sa birthday party ni Ian. Si Navi ang driver of course.
Sa pag-uwe naman ay susunduin sila ng mga asawa nila at ako ay ihahatid ng boyfriend ko pauwe.
Excited ang mga gaga kong kaibigan at talaga namang nasa uso ang mga damet nila. Come to think of it, hindi man lang ako nahilig mag-shopping mula ng umuwe ako.
I wore a long sleeves beige dress na abot hanggang tuhod ko. dala ko pa to galing US. Naka-dress kasi yung tatlo at ayoko namang ma-out of place sa kanila.
"para namang simbahan ang pupuntahan mo Mie. mag-aanak ka ba ng kasal?" pang-aasar ni Kate
"Pwede ba Kate" awat ko.
Naka 1 and a half inch heels din ako kaya nagmumukhang formal ang suot ko.
"Naku Kate tumigil ka na nga. Buti pinayagan ka ng asawa mo na ganyan ang suot mo ng hindi siya kasama?" tanong naman ni Cass.
hapit na hapit ang sleeveless black dress sa kanya na mid-thigh. the cleavage is decent pero alam mong paparty. she's wearing a sandals na nasa 2 and a half inch ang taas.
"what's wrong with my outfit? hindi ko pa to nasusuot at mukhang malayo pa bago ko ulit masuot to or worst baka hindi na, kaya i'll flaunt it while i can."maarte niyang sagot.
Hindi pa naman kasi gaanong halata ang baby bump niya compare kay Cass kaya sexy pa rin siyang tignan sa suot niya.
Cass is wearing an off shoulder dark blue dress na aabot hanggang tuhod. her long wavy hair is flowing up to her waist. Ang gandang magbuntis ng kaibigan kong ito kahit na halata na ang pagtaba nito.
"tama na yan let's go down. andun na si Nav" sabi ko sa kanila.
Tumawag kasi siya sa akin na nasa baba na daw siya. Busy naman kaming magkakaibigan sa paghahanda kaya ang sabi ko ay hintayin na lang niya kami.
Pilit kong isinasantabi ang mga alalahanin ko. Hindi ko pa nga rin magawang sabihin sa mga kaibigan ko ang problemang kinahaharap ko.
Patatapusin ko siguro muna ang birthday ni Ian. Baka kasi imbis na mag enjoy sila ay aalalahanin pa nila ako.
I need my friends and anyone i can lean this time. Haharapin ko na to ng kasama sila at ng hindi na nag iisa. I will take all of it as a mature woman, kahit gaano pa kasakit ang kalalabasan.
"wait lang tatawag lang ako kay Mama at kukumustahin ko si Dan" sabi ng pinsan ko.
She's wearing the same outfit as Kate kaya nga lang long sleeve ang sa kanya at hindi masyadong hapit sa katawan. Tapos naka low heeled sandals din siya gaya ko.
Naconfirm na kanina na buntis nga siya. 5 weeks na gaya ng kay Cass. Pumunta kasi sila sa dati niyang OB para magpacheck up. Masaya nga silang mag-asawa lalo na si Tita Bianca, mama ni Diane. Madadagdagan kasi siya ng apo.
Ako naman kailangan ko na ring magpatingin para sa anak ko. Ayoko namang mastress gaya noong una kong pagbubuntis kay Paige. Muntik na kaya siyang mawala sakin kundi lang ako tinutulungan ng kapitbahay namin na sila Nabi.
Iniwan na namin si Diane at tsaka kami bumabang tatlo.
I asked Mama na ipasyal sa mall si Paige after ng physiotherapy niya. May session kasi siya kanina after school. Sila Mama na ang pinasama ko at sinabi kong magmall pagkatapos.
BINABASA MO ANG
UNBEARABLE Desire
Romance10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fell in love, I fell harder and I'm falling in love with the same person. It's happening over and over again. Kailan ba ko matututo? Akala ko...