Chapter 85

5.3K 84 5
                                    

ARMIE POV

Tonight is Christmas eve and until now wala pa rin si Navi.

It's been 5 days since that call.

He wants to give me space but it's been a long 5 days. I miss him so much.

Phone calls are not enough i want him to be here. lalo na ngayong sasapit na ang pasko.

"Mee hindi pa rin ba uuwe si dee?" Tanong ni Paige.

"I don't know honey."

"Sabi ni dee kahapon uuwe siya ngayon" malungkot na sabi niya.

"He said that?" Tanong ko. 

I am hopeful. mas madalas kasi silang mag-usap kesa sa amin. kapag tumatawag siya ay kinukumusta niya lang ako at ang bata tapos magpapaalam na siya.

"Yes. Tinawagan ko siya kahapon. He said he is busy but he will see us today"

Napangiti naman ako. "Then any moment darating na ang daddy mo. Go help everyone in the kitchen" utos ko.

kapag kasi nagpromise yun kay Paige ay mas malaki ang chance na matupad.

Naghahanda na kami para sa christmas eve. Inimbitahan ko nga sila Mama pati na rin sila Tita Scarlet pero hindi daw sila pwede. Bukas na lang daw ng umaga.

Hindi naman sila nag-imbita sa bahay kaya nakakahiya namang pumunta. Pati sila Diane ay hindi makakadaan. Pupunta daw sila sa pamilya ni Paul tapos ang dalawang kaibigan ko namang sina Cass at Kate ay nag out of town kasama ang mga pamilya nila.

Buti nga at sinabi ni Paige na darating si Navi ngayon. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. ayoko pa naman ng ganitong pakiramdam na parang nag-iisa ako lalo na at magpapasko. sanay kasi ako sa marameng tao kapag pasko.

noong andito pa ako sa Pinas ay kompleto kaming pamilya, noong nasa Dubai naman ako ay kasama namin ni Ann ang mga kababayang kaibigan niya o mga kasama ko sa work. sa Texas naman andun sila tito at iba pa naming mga kamag-anak at kaibigan nila. hindi naging tahimik ang pasko sa buong buhay ko.

Ngayon lang medyo tahimik ang pasko ko. yung kami lang pamilya, mukha pa ngang kami lang talaga ni Paige ang magcecelebrate ng pasko at hindi mukhang masaya kapag ganito lang. buti nga at nagkaroon ako ng pag-asa na uuwe ngayon si Navi.

kumusta na kaya siya?

"Mee dun ka na lang sa sala and watch movie" sita sa akin ng anak ko ng tumulong ako sa kusina sa pag hihiwa ng ingredients para sa lulutuing pancit.

mas ginanahan kasi akong maghanda ngayon dahil alam kong may darating. Si Navi.

"Bebe girl hindi naman mapapagod si mommy" ngiting sagot ko sa kanya.

"No mom dun kana." Utos niya.

Simula ng umalis si Navi ay siya naman ang pumalit sa daddy niya. Masyadong maalaga. Siya ang kasama ko lagi at laging nakabantay siya sa akin. Nakakalimutan lang niya ako kapag dumating ang mga kaibigan niya at nakakapaglaro siya. Lalo na kapag si Sean ang andito sa bahay dahil naglalaro sila ng wheel scooter.

Ngayon ay wala sila. Mga busy din siguro dahil magpapasko na, kaya eto at nakabantay na naman siya.

"Paige you are treating me like a baby" sita ko sa kanya.

"Mee you're daddy's baby that is why" ngiting sagot niya. napailing nalang ako sa sagot niya. may sagot lagi gaya ni Navi.

Tumayo naman ako para makaalis dun. Wala akong mapapala sa pakikipagtalo sa batang ito dahil mana yan sakin eh. matigas ang ulo.

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon