NAVI POV
She came back after 3 hours. Kinuha niya lang si Paige at nagpaalam na rin. Babalik sila bukas para sa birthday party at excited na excited si Paige. Ayaw na nga nitong umalis pa dito.
Everyone is treating her nicely at tuwang tuwa naman siya.
After Air left kanina, nakapag-isip ako. All those wasted years and until now nagugulo pa rin ako.
"Anak okay ka na ba?" Tanong ni Mommy.
She's been here an hour now. Napanood ko pa ang pagsuyo niya sa apo niya.
Paige on the other hand is still doubtful about her.
Who can blame her? She hurt her mother.
Kahit naman ako gusto kong pagsabihan si mommy sa ginawa niya, kaya lang alam kong nagawa niya lang yun dahil nag-aalala siya sakin at hindi naman din niya intensyong gumawa ng gulo.
Too much emotion can cause harm to others and to yourself, kaya ganun ang nagawa ni mommy kay Armie. Kung gagatungan ko pa ang nangyare ay baka maguilty siya lalo.
Pinapabango ko nga ang pangalan ni mommy kay Paige kaso ayun duda pa rin ang anak ko lalo nung nakitang hindi nag-uusap ang mommy niya at si mom.
"I'm fine mom. I can go home tomorrow" sagot ko.
"Tomorrow? Ano ka bang bata ka. Dito ka muna para mamonitor ka. Wag ng matigas ang ulo mo. Ikaw itong doctor ikaw pa ang pasaway" saway sakin ni mommy.
"But-"
"5 days more. Tigilan mo ko Navi. Kung kailangan kitang itali sa kama mo gagawin ko. Tigilan mo ko sa katigasan ng ulo mo. And don't give me that look, i wont buy it"
Napasimangot naman ako. Lalambingin ko sana siya ang kaso ito nga nagiging beast na naman si mom.
"Okay mom" sagot ko.
I'll try to talk to her tomorrow mahirap ng pilitin ngayon dahil katatapos lang ng operasyon ko. everything went well medyo hassle lang dahil sa cast sa kanang paa ko. kailangan ito ng mga tatlong linggo sabi ni Air.
"And you will live with us until you recover" she added.
"Ha? Mom -"
"Wala kang kasama. No one will take care of you kung dun ka sa condo mo. Hindi ka rin masyadong makakagalaw dun. Our house is spacious enough for you to move"
"Mom okay lang naman sa condo ko. busy din kayo ni Dad. Besides, I have my own nurse, so no need to worry. And-" putol ko sa kanya ng makitang magsasalita siya " hindi naman ako sa condo tutuloy. Kuya" tawag ko kay kuya Mark na nakaupo lang sa may receiving area ng room ko.
Andito siya sa hospital pero trabaho pa rin inaatupag niya.
"Hmmp" sagot lang niya na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. nakatingin ito sa kung anong papeles.
"Kumusta yung sa Antipolo? Ayos na ba?" tanong ko.
"Under renovation. Hindi pa pwedeng lipatan" tanging sagot niya.

BINABASA MO ANG
UNBEARABLE Desire
Romansa10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fell in love, I fell harder and I'm falling in love with the same person. It's happening over and over again. Kailan ba ko matututo? Akala ko...