ARMIE POV
"Mee you look beautiful"
"You look beautiful too princess" sabi ko rin sa kanya.
"Okay mag-start na tayo sa pagpipicture" anunsyo ni Cands sa buong room.
"Babs kailangan ba ikaw pa? Baka mapagod ka" may pag-aalalang sabi ni Jace "may mga photographer naman"
"Ang OA mo." Irap na sabi sa kanya ni Cands
Cands is 6 weeks pregnant. After more than 2 years in marriage binigyan na rin sila ang supling. well, with the help of medicine na rin. Nalaman nila ang problem ay nakay Jace pero madadaan naman sa medication. Pareho silang nag undergo ng treatment kaya ito na nga, may baby na sila.
Sobra ang alaga ni Jace sa mag-ina niya na sinasabi na ni Cands na OA na. Naging ganyan din sa akin si Navi noon kaya naiintindihan ko si Jace.
"Yung gown, yung gown buhatin" rinig kong utos ni Cands.
Yung anak ko naman sa buntot ng gown ko nagpunta para buhatin ito.
"Paige ako na" sabi ni Claire at kinuha iyon mula sa kanya.
Napangiti naman ako at tsaka nagsimula ng maglakad palabas ng kwarto.
What is today?
Today is my wedding day. Sa wakas ay ikakasal na kami ni Navi. after months of preparation ay magaganap na ang dream wedding ko with the man of my dreams.
Nag-umpisa ang photo shoot ko kasama ng mga brides maid.
sa dami ng mga friends ko. Hulaan niyo kung Sino ang maid of honor ko?
kita ko ang pagmamadali niyang makalapit sa amin.
"Mie sorry. Ang kulit kasi ng lalaking yun!" Inis na sabi niya.
Halata ang pagkairita ng mukha niya habang inaayos ang gown na suot niya.
Kaming dalawa lang ang nakaputi because the remaining of the girls are wearing a baby pink gown.
Red is my color but Pink is good in the eye kapag nadidikit sa nature kaya yun ang naging theme ng kasal ko. Pink and green.
"Okay lang Reen. Saan ka ba nanggaling?" tanong ko.
"Ang kulit kasi ni Ian." Irap na sabi niya pero may ngisi naman sa labi.
Malapit na rin ang kasal nila. Actually next month na. Busy nga kami pareho sa paghahanda sa kasal namin. Kaya nga maganda na siya ang maid of honor ko at ako ang maid of honor niya. Who would have thought right?
Well para samin convenient yun. Dahil sabay naming inayos ang wedding namin. Nandyan siya as my maid of honor na tumutulong sakin sa wedding ko at vice versa.
Convenient Maid of honor daw namin ang isa't isa dahil walang choice. hindi naman totoo yun. naging magkaibigan na rin kami ni Mareen simula ng magwork ako sa EWGH dati.
Hindi ko nga alam sa kanya bakit ako pa ang maid of honor niya. Andyan naman ang mga kapatid niya pero ako ang pinili niya. sabi niya Malaki daw ang parte ko sa love story nila ni Ian. As she quoted "kung hindi mo inakit at inagaw ang ex fiancee ko hindi ko mamahalin ang fiance ko ngayon" sinabi niya yan ng nakangiti. Hindi ko nga alam kung sarkastik ba yun o hindi.
Well partly totoo naman yun. Ang mga tao nga sa paligid namin iniisip na nagpaplastikan lang kami. Pero alam naming hindi. She is a friend, naging malapit kami sa isa't isa ng makilala namin ang bawat isa. She is still that good hearted college girl the first time i met her.
BINABASA MO ANG
UNBEARABLE Desire
Romance10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fell in love, I fell harder and I'm falling in love with the same person. It's happening over and over again. Kailan ba ko matututo? Akala ko...