AIR POV
Nagulantang ang buong EWGH ng dumating sakay ng ambulansya si Navi.
Maging ako ay nagmadali para matignan siya. Puno ng dugo ang katawan niya na nagpabuhay ng kaba sakin.
"Ano bang nangyare?" Tanong ko kay Ian na nakasunod sa kanya at nababahiran ng dugo ang damet.
"Accident" simpleng sagot niya.
Hindi naman yun ang gusto kong itanong kundi paano naaksidente si Nav. After his accident 3 years ago ay naging maingat na siya sa pagmamaneho.
So what happened now?
"Yung nakabanggaan niya?" Tanong ko
"Hindi dito dinala" sagot lang ni Ian.
"Who's fault?" Tanong ko
"Nav. Overspeeding then nag overtake siya. Nagkabanggan sila nung magoovertake din! Tss! I told him to calm down" naiinis na sabi niya.
Madalas talaga ay mahirap pagsabihan itong Nav lalo sa mga gusto niyang gawin.
"anong bang nangyare?" tanong ko ulit
"he and Armie had a fight"
napapikit na lang ako. Si Armie na naman pala ang dahilan.
"Mie" narinig naming tawag niya.
Napalingon kami ni Ian.
"Si Armie" tanong niya "baka iwan niya ko. Si Mie" paulit ulit niyang tinatawag si Armie.
Isa pa yan! Imbis na sarili ang iniisip ay si Armie na naman.
-----
"Natawagan mo na ba?" Pukaw ko kay Ian. Siya kasi ang inutusan kong tawagan si Mie dahil sa paulit-ulit na paghahanap ni Nav sa kanya.
"Unattended pa rin" sagot niya.
Ikinukwento sakin ni Ian ang pag-uusap nila hanggang sa maaksidente si Nav. Mabuti na lamang ay mabilis ang naging kilos ni Ian at nakapagpadala kaagad ng rescue.
ano ba ang nangyayare sa dalawang yun? ilang araw pa lang ng maging sila. Ang saya-saya pa nga nila tapos biglang may hiwalayang nangyare? tapos ito na naman si Nav and his reckless driving!
"Pupuntahan ko na lang sa kanila" sabi ni Ian.
"we need to transfer Nav to OR." Sabi ko.
"Malala ba?"
"He's not stable. After surgery sa ICU ko siya itatransfer. Natawagan na ba sila tita? We need a consent" sabi ko.
"I called Kuya Mark but Carlo is here." Sabi niya " pupuntahan ko lang si Armie" paalam niya.
Umalis si Ian at sinabihan ko naman si Carlo ng nangyare sa kapatid niya.
Hindi rin niya alam ang gagawin. kanina lang ay ang girlfriend nito ang isinugod ngayon naman ay ang kuya niya.
matapos ang lahat ng papers ay sinimulan ko naman ang pag-opera kay Nav.
Matapos ang dalawang oras ay inilipat na namin siya sa presidential suite sa 3rd floor. mas maganda na roon para mas matutukan namin siya.
Naging maayos naman ang lahat at kailangan lang siyang obserbahan.
"kumusta siya kuya?" nag-aalang tanong ni Carlo.
"okay na siya ngayon" sagot ko at napatingin kay kuya Mark na andito na rin. natawagan naman siya ni Ian bago ito umalis para puntahan ang bahay nila Armie.
BINABASA MO ANG
UNBEARABLE Desire
Romance10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fell in love, I fell harder and I'm falling in love with the same person. It's happening over and over again. Kailan ba ko matututo? Akala ko...