Chapter 23

4.6K 82 4
                                    

ARMIE POV

Andito lang ako sa gilid at nakatulala. iniisip kung saan ko nailagay ang pesteng emergency pills na yun. kanina ko pa pinipiga ang utak ko at di talaga ako pwedeng magkamali. nadala ko yun dito sa kwarto ni Paige.

Ang tanong ay kung nasaan. hindi alam ni Mama, ni Linda at pati ng anak ko. pwede naman akong bumili kaya lang hindi ko naman maiwan si Paige. at anong idadahilan ko? naiwala ko ang binili ko? eh ang alam nila nakainom na ko ng gamot at hindi na masakit ang ulo ko.

parusa na ba to sa lahat ng kasinungalingan ko? sagad na sagad na ba ko ng palusot kaya hindi na ko makaalis sa pwesto ko?

"hoy couz tulala ka dyan. kanina ka pa ganyan" sita sakin ni Diane.

Andito na pala ang pinsan ko. katatapos naming kumain ng lunch ng dumating siya at dala-dala ang okoy at empanada ko.

tuloy ang kinalabasan ay kumain na naman ako. grabe hindi lang pagtaba ang kalalabasan ko nito baka sumakit na pa ang tyan ko sa dame ng kinain ko.

"may iniisip lang ako" sagot ko.

"ang daddy ng makulit na batang ito" sabi niya at kiniliti si Paige.

tawa naman ng tawa ang anak ko. di nga lang makagalaw masyado dahil sa cast niya

"tita.. ahahahahhaha"

Nagising si Paige ng dumating si Diane, paano ba naman ang ingay ingay. Panay ang kwento kay Mama tungkol sa anak niya.

"hoy Diane tantanan mo yang si Paige at baka mahulog yan sa kama at mas lalo pa kaming tumagal dito" sita ko sa kanya.

"edi maganda para araw araw mong makikita ang Nie ko mo" pang-aasar niya

"shut up Diane. hindi ka nakakatulong" saway ko.

"why mee? may problem kayo ni dee?" napairap naman ako sa pinsan ko. ayan tuloy nagtanong na naman si Paige 

"nothing bebe girl. inaasar lang ang ako ng tita mo" sagot ko.

"pupunta ba si dee mamaya?" tanong niya

"baka busy pa siya. pupunta naman yun dito kapag hindi na siya busy" nakangiting sagot ko. 

sinabi ko kasi sa kanyang nasa duty ang daddy niya kaya wala. alangang sabihin ko nasa asawa niya ang tatay niya. baka mawindang ang anak ko at umiyak pa yan dito.

may pagkadrama actress din kasi tong bebe girl ko eh. mahilig pang magpaawa at ako naman si nanay, nadadala.

"can we call him?" tanong niya.

"busy nga diba baby" nakangiting sabi ko at nanlalaki pa ang mata. ang kulit kasi ng anak ko.

ngumuso naman siya sakin tapos di na ko pinansin. ayan madalas ganyan kami ng anak ko. nagtataray yan kapag hindi nakuha ang gusto. alam ko na ang taktika ng batang to eh.minsan mataray, minsan iyakin, minsan malambing. depende pa yan sa mood niya.

moody tong batang to eh. manang mana sa tatay niya. may pagka abnormal.

"kelan ba kayo mag-uusap?" tanong ni Diane

"alam mo Diane kanina pang tanong sakin yan. si Mama ay paulit ulit na rin. kaya wag ka ng dumagdag. nag-iisip ako"

"so si Nav nga ang iniisip mo?" gusto ng tumirik ng mata ko sa tanong niya. 

"sino si Nav?" tanong naman ni Paige.

"Si Nav ang daddy mo" sagot nito sa anak ko.

"Paige diba sabi ko wag sumisingit sa usapan ng matatanda?" saway ko sa kanya.

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon