ARMIE POV
Naghahanda na kami para sa birthday parties na pupuntahan namin ngayon. excited na nag-ayos si Paige sa tulong namin ng yaya niya. masaya siyang makakalabas ng bahay.
Napirmi lang kasi siya dito sa bahay dahil na rin sa cast niya. pinag-iisipan ko pa rin kung papasukin ko na siya. baka kasi hindi pa pwede.
kung ako ang masusunod ay ayaw ko sana, ang kaso si Paige ay nagrereklamo na dahil laging naiinip sa bahay. isama mo pa ang panaka-nakang pagtakas niya para pumunta sa kapit bahay para makipaglaro.
"mee hindi po ba natin kasama si dee?" tanong niya.
another day passed at hindi pa rin ako nabubuko ni Nav sa sekreto ko.
ewan ko ba bakit hindi ko pa rin nasasabi kay Nav ang totoo. sila Mama nga ay naiinip na. ang mga kapatid ko naman ay ganun din. hindi ko alam kung sinadya or nagkataon lang na wala ang mga kapatid ko sa tuwing andito si Nav.
kung nagkataon kasing magpang-abot sila ay baka magkakabukuhan na rin. Paige calls may siblings as tito and tita. magtatanong si Nav kapag narinig niya yun.
"baka parating na ang daddy mo" sagot ko sa kanya.
nangako naman si Nav na susunduin kami kaya baka nasa daan na yun. kung sakaling hindi naman niya kami masusundo ay okay lang. anong silbi ng googlemap kung hindi ko gagamitin diba?
I can still call Yuni for directions kung sakaling indianin kami ng daddy nitong si bebe girl. Marameng paraan naman kung sakali.
"I'll call dee" pahayag ni Paige na hindi ko na pinansin.
busy ako sa pag-aayos. simple lang naman ang suot ko. nag dress ako para naman hindi masaydong out of place ang dating ko. below the knee ito at nagsuot ako ng wedge shoes para naman kahit papaano ay tumangkad ako. my hair is freely flowing and i put on a light make up.
I looked at my daughter at busy ito sa phone. maybe she's talking to her dad. super cute ng baby ko sa suot niyang tinkerbell custome. nagrereklamo nga siya dahil gusto na niyang ipatanggal ang cast niya. 6 weeks ang sabi ni Nav bago tanggalin ito pero kakausapin ko siya mamaya. baka mabilis ang healing ni Paige at mas mapaaga ang pagtanggal ng cast.gusto ko na rin kasing makasama ang anak ko sa mga lakad ko na hindi iniisip na mahihirapan kami pareho.
Nang matapos kaming dalawa ni Paige ay kumuha kami ng mga pictures sa garden. Pati sila Mama at Papa ay kasama rin namin. Maybe i'll upload it on facebook later.
Hindi nagtagal ay dumating din si Nav. he look gorgeous in his casual attire.
takte ang gwapo talaga niya. napapailing na lang ako sa naiisip.
"ready?"tanong niya samin ng makitang handa na kami.
tumango naman ako samantalang si Paige ay excited na sumagot ng "yes dee"
"you look lovely sweetheart" sabi niya kay Paige na mas lalong kinangiti nito.
Mama took a photo of us before we go. Ang cute daw kasi naming tatlo. If I know plano lang niya yun ipaframe as our family picture.
"we'll bring her crutches and wheelchair" I said to Nav.
tumango naman siya at tsaka kinuha yung wheelchair ni Paige. hindi na kasama si yaya Linda dahil kaya na namin ni Nav ang anak namin.
Paige is using her crutches but when Nav finished putting her wheelchair binuhat na niya ito. She just giggled. ako naman na ang nagdala ng crutches ni Paige.
"mee paano po ako mamaya? can i play?" tanong ni Paige
"of course baby. si dee na ang bahala sayo" sabi ko
![](https://img.wattpad.com/cover/49405578-288-k865200.jpg)
BINABASA MO ANG
UNBEARABLE Desire
Romance10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fell in love, I fell harder and I'm falling in love with the same person. It's happening over and over again. Kailan ba ko matututo? Akala ko...