Chapter 59: SPG

6K 78 6
                                        

NAVI POV

Paulit-ulit ang pagtawag ko kay Armie at nang sagutin niya ang tawag ko ay siya namang pinagtaka ko.

"Nav" sabi sa kabilang linya

"sino to?" matigas na tanong ko kaagad. lalaki ang nasa kabilang linya.

"si Ian to" sagot sa kabilang linya.

"Ian?" tanong ko. kunot noo na ako ngayon.

"nahulog ni Mie yung phone niya dito sa sasakyan ko. ngayon ko lang napansin. iniisip ko na nga kung sino ang kokontakin ko para malaman niya."

"nasaan ka ba?"

"bahay na."

"nasaan si Mie?" tanong ko.

"hinatid ko na siya" nakahinga ako ng maluwang ng malamang safe palang nakauwe si Mie.

"pero wala daw siya dun" pag-gigiit ko ng maalala ang sinabi ni Diane na wala ito sa bahay.

"hinatid ko siya pare."

"thank you pare. akala ko nawawala na siya" sabi ko. 

dapat ay puntahan ko siya sa kanila para makasiguro.

"mawawala siya kung di mo iingatan pre" sagot niya na kinataka ko

"anong ibig mong sabihin?"

"wala pre. ibabalik ko na lang bukas ang phone niya"

"hindi na. ako ng magbibigay. madadaanan ko ang bahay niyo. malapit na ako. bakit nga pala nasa bahay ka na? ang party mo iniwan mo na" sabi ko. Iniliko ko na ang sasakyan ko papasok ng subdivision nila.

buti na lang at hindi ko pa ito nalalagpasan.

"gusto ko ng magpahinga. mukhang wala naman silang pakialam kung wala ako dun" sagot niya.

"ulol. hinahanap ka nila dun." sabi ko.

well, hindi naman totoo yun dahil nung nag mag walk out si Mareen kanina at sinundan niya ay alam na namin na pwedeng matagalan bago sila bumalik or baka hindi na bumalik.

"pagod na rin ako" sabi niya

"andito na ako" sabi ko ng tumigil sa tapat ng bahay nila.

"ang bilis naman"

"ganun talaga. lumabas ka na" utos ko.

"naku Nav ah. baka naman nagpapaharurot ka na naman ng sasakyan."

"hindi. malapit na talaga ako sa subdivision niyo ng sinagot mo ang tawag ko para kay Mie" sagot ko.

After my accident 3 years ago ay naging cautious na ako sa pagdadrive. Wala namang dapat ipag-alala sila Ian sa bagay na yun. maingat na ako ngayon.

nakita kong lumiwanag ang labas ng bahay nila. tanda na palabas na si Ian. ilang sandali lang ay lumabas na siya.

handa na ngang matulog ang lalaking to ayun na rin sa itsura at suot niya.

"oh" abot niya sakin ng phone ni Mie.

kinuha ko naman ito at tinignan siya.

"bakit ganyan ka makatingin?" tanong niya.

"hindi mo ba hahanapin si Mareen?" tanong ko.

napabuntong hininga naman siya

"alam kong hinatid mo na siya kaya naman ako na rin ang naghatid kay Mie" sagot niya.

"I'm sorry about Mareen" sabi ko "alam mo namang hindi niya intensyon ang mga nasabi niya"

"sinabi niya sayo?" tanong niya.

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon