Chapter 29

4.7K 70 3
                                        

A/N:

I dedicate this update to @thartmylove. Ito na ang inaantay mong update...:)

Thank you for reading this story.

~~ Erina ~~

------------

ARMIE POV

Sobra ang kaba ko kanina ng biglang dumating si Air habang naghaharutan kaming tatlo sa kwarto. Ayoko naman kasing magkaideya siya ng tunay na sitwasyon namin bago malaman ni Nav ang totoo.

The chances na mabuko ako sa sikreto ko ay malaki kapag andito ang mga kapatid ko. of course my daughter calls them Tito and Tita. Buti na lang talaga at sobrang saya ni Paige na pwede na siyang lumabas today kaya naman panay ang tanong niya kay Air kung ano ang dapat niyang gawin para kaagad na mag heal ang fracture niya.

"Tito Air kailangan po yun para maturuan na po ako nila mee at dee ng sayaw" pangungulit niya dito. Tumatak talaga sa isip ng anak ko ang sinabi kong sumasayaw kami noon ng daddy niya.

Sumasayaw pa kaya si Nav ngayon? matagal na panahon na rin kasi ang nakalipas. He's a good dancer by the way.

napatingin naman sakin si Air at nagkibit balikat lang ako.

"Bry paayos naman ng mga gamit ni Paige oh. Ibaba mo na lang yung iba" mahinang sabi ko sa kapatid ko.

"mamaya na lang ate kapag okay na ang lahat"

lumapit ako sa kanya at bumulong "kaibigan ni Nav yan. di pa kami nag-uusap kaya please Bry. Baka ano pang masabi ng pamangkin mo" di ko na masyadong inexplain dahil alam kong nahulaan na niya ang gusto kong iparating dahil na rin nagbago ang ayos ng mukha niya. naging seryoso ito.

kapag ganitong seryoso yang si Bryan ay nagmumukhang  panganay saming magkakapatid. Well sa itsura naman talaga ay siya. Ako nga ang bunso sa pamilyang ito pagdating sa itsura.

bumalik ang tingin ko sa nag-uusap na sina Paige at Air. ang daldal daldal ng anak ko. namana daw niya yan sakin sabi ni Mama.

tsss! malamang. alangan sa tatay niyang tahimik lang.

"sabi ni mee marunong daw silang mag-dance ni dee. dun daw sila nagkakilala eh. alam mo ba tito na same school lang sila nag-aral." kwento niya kay Air.

"I know that baby." Nakangiting tugon ni Air.

"ay oo nga pala friends kayo ni mee"

"and bestfriend ko si dee" sabi niya.

napalingon ako kay Air dahil sa sinabi niya. ngumiti lang siya sakin.

may alam ang lalaking to! Alam niyang si dee ay si Nav. kinukwento kaya ni Nav? humanda talaga sakin ang lalaking yun.

"bestfriend? as in bestfriend-bestfriend?" pagkukumpirma pa ang anak ko. di ko tuloy maiwasang mapangiti. ang bibo talaga niya. akong ako talaga siya.

"yes baby. Bestfriend as in bestfriend-bestfriend." Panggagaya niya sa sinabi nito.

Tumingin sakin ni Paige na parang di naniniwala.

"Yes bebe girl. Bestfriend sila ni dee."sagot ko

"I have my bestfriend too tito" sabi ng anak na ayaw pang magpahuli.

"Everyone has a bestfriend" ngiting sagot lang naman ni Air.

"Princess" napatingin kami ng magsalita si Bryan. "Aalis muna ang iyong tapat na sundalo." Sabi niya at yumuko pa.

Paige giggled then she straighten her spine.

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon